Chapter 71 Dmitri Nikolai 1:03 AM Isang maling galaw. At isang maling desisyon. Pwedeng ikamatay ng pasyente. Pero ngayon, wala akong pwedeng ipagkamali. Huminga ako nang malalim sa likod ng mask habang nakatitig sa nakabukas na dibdib ni Don Franco. Ang t***k ng puso niya, irregular. Mahina. Parang anytime, bibigay. Pero hindi siya pwedeng bibigay. Hindi ako papayag. "Vitals?" tanong ko. "BP's dropping—eighty over forty and still going down!" "Clamp the leak," utos ko habang inaabot ang forceps. "Suction, now!" Ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Lahat ng mata sa loob ng operating room, nakatutok sa akin. Isang pagkakamali lang puwedeng mamatay ang ama ni Kaydan, ang Lolo ni Trice. Ang taong tumanggap sa akin kahit may batik na ang pangalan ko. Ang kaisa–isang taong kakampi ko

