Chapter 81 Beatrice Celestine TUMINGIN lang ulit siya sa akin, tapos ngumiti. I swear, parang may bolt ng electricity sa spine ko. Pero, nope. Hindi pa rin ako patitinag. Hindi ako bibigay. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi ako impressed." "You don't have to be," sagot niya. "Liligawan pa rin kita. Kahit gawin mo akong alila." Kumunot ang noo ko. "Ha? Alila?" Nagkaroon ako idea. Pahihirapan ko ang mokong na ito. "Oo. Liligawan kita. Kahit gawin mo akong taga–bitbit ng gamit. Kahit gawin mo akong taga–payong. Kahit assistant ako sa buong taping mo. Just say the word. My queen!" May pa bow pa itong nalalaman at ang laki ng ngisi sa labi niya. Napangiti ako. Pero pinigilan ko lang. I mean, come on, this is DN. This is the same man who broke my heart years ago. Tumayo ako nang d

