Chapter 36 Beatrice Celestine AGAD napako ang tingin ni Angela sa direksyon namin. Agad siyang ngumiti—hindi 'yung simpleng ngiti kundi 'yung may halong intriga. At hindi lang basta nakita niya ako. Mas tumigil ang mga mata niya kay Mayor. "William?" sabi ni Angela, medyo pasigaw na parang gusto niyang mapalingon lahat ng tao. "Oh my God, ikaw nga!" Umangat ang tingin ni Mayor, at saglit siyang natawa. "Angela! Wow. Long time no see." Bumungisngis si Angela at mabilis lumapit sa mesa namin, dala pa rin ang confident niyang postura. "Small world, no? Sino'ng mag–aakala? After all these years, magkikita tayo!" "Batchmates kami sa high school pati sa college," paliwanag ni Mayor sa akin, medyo nakatingin pa rin kay Angela. Pero ang tingin nito kay DN ay may talim. "Hindi lang batchmate

