Chapter 10 Beatrice Celestine FIVE DAYS LATER Limang araw mula nang literal na madurog ang puso ko sa harap ng napakaraming tao. Ginawa ko ang lahat para makalimutan siya. Ginawa ko ang lahat na hindi makibalita sa kanya. Kahit pa minsan, gusto kong malaman kung ano na ang nangyayari sa kanya, pinipigilan ko lang ang sarili ko. Wala na akong karapatang malaman pa. Aside of that, limang araw ko na siyang hindi nakikita sa mansiyon. Ang dalawin si Lolo ay hindi na niya ginagawa. Siguro nga, busy siya sa fiancée niya. Napangiti ako ng mapait habang nasa loob ng sasakyan papauwi, sinandal ang ulo ko sa upuan. Good. Let him be. Hindi ko na dapat iniisip pa 'yon. Bumili ako ng bagong phone, tinago nang maigi ang luma. No one can ever see that video. Hindi pwedeng may makaalam ng scandal n

