Chapter 69 Dmitri Nikolai "I HEARD IT," sambit niya. "I heard it, that you're...my real dad." Para may kung anong tumusok sa dibdib ko. Napalunok ako. Hindi ako agad makapagsalita. Hindi ko alam kung anong tamang sasabihin sa sinabi niya. "Daddy?" Doon na ako nadurog. Bigla na lang tumulo ang luha sa pisngi ng bata. Sunod–sunod. Hindi siya umiiyak ng malakas. Tahimik lang si Dannie. Gusto niyang intindihin ang mundo pero hindi niya kaya. At ako? Hindi ko na rin kinaya. Lumuhod ako sa buhangin. Nawala ang galit. Natira lang 'yung pighati. Ang sarap pakinggan na ikaw ang tinatawag na daddy. "Anak..." Yumuko ako, niyakap siya nang mahigpit. Parang niyayakap ko ang taon na nawala. Ang bawat "what if" na nilunod ko sa alak. Umiyak siya sa dibdib ko. At umiyak din ako. Walang pakiala

