Chapter 91 Beatrice Celestine PAGKAWALA ng bangka ng tatlong lalaki, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Pakiramdam ko naiwan pa 'yung tensyon sa katawan ko, parang kahit nakabalot na ako sa tuwalya 'yung katawan ko, ramdam ko pa rin 'yung panlalapastangan sa mga mata ng lalaking 'yon. Tahimik lang si DN saglit bago nagsalita, "Gusto mong maligo muna?" Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko 'yung may peklat sa mukha. 'Yung itsura niya, 'yung tingin niya, 'yung paraan ng pananalita niya. Hindi ko alam kung nagbabantang babalik ba siya o sadyang gano'n lang talaga ang aura niya—nakakatakot, nakakakilabot. "Baby?" ulit ni DN, mas malambing na ang boses niya ngayon. Parang alam niya kung saan ako nakalutang. Napatingin ako sa kanya. "You are safe. Kasama mo ako," s

