Chapter 39.1–Prologue Beatrice Celestine PAGKATAPOS kumain ay pumunta kami ni Manang Sita sa palengke. Maaga pa, pero punuan na ang paligid at maingay. "Teka, hija," sabi niya habang nakatigil sa harap ng meat section, "tatawaran ko lang itong baka para sa kare–kare." I nodded. "Sige po, Manang. May bibilhin lang po ako sa botika sa kanto." "May sakit ka ba?" tanong niya habang nakapamewang. "Wala po. Vitamins lang." Nginitian ko siya, pilit. Hindi na ako naghintay ng sagot at agad akong tumalikod bago pa siya makahalata sa tensyon sa mukha ko. Tila baga may sariling utak ang mga paa ko habang mabilis akong lumakad palayo. I felt my stomach tighten. Nanginginig ang kamay ko sa dami ng what ifs na dumaraan sa isip ko. Pagdating ko sa botika, wala akong inaksayang oras. "Miss, pabil

