Chapter 38 Beatrice Celestine HINDI pa man ako nakakabawi sa pagkagulat, bigla akong hinila ni DN palayo. Mahigpit ang pagkakapit niya sa braso ko, parang ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari ngayong gabi. Sa gilid ng mga mata ko, nahagip ko ang pangisi–ngisi ni Angela. "Bitawan mo ko, DN!" sigaw ko, pero hindi niya ako binitawan. Pagdating namin sa sasakyan niya, binuksan niya ang passenger door at halos itulak ako papasok. Hindi ko pa man lubos na naayos ang sarili ko sa loob, isinara na niya ito at umikot papunta sa driver's side. Pagsakay niya, sinarado niya ang pinto ng malakas. Pagtingin ko sa kanya, nakita ko sa mga mata niya ang apoy. Rage burned blackly in the depths of his dark eyes. His jaw clenched, his hands fisting on the steering wheel, and when he finally spoke

