Chapter 95 Beatrice Celestine NANG umalis siya sa ibabaw ko, para bang may nawala sa loob ko. Pero agad niya akong hinila palapit, ipinatong niya ang ulo ko sa braso niya. Mainit pa rin ang balat niya, medyo pawisan, pero sobrang sarap sa pakiramdam. Lapat na lapat ang katawan naming dalawa habang pareho kaming tahimik. Parang sinasariwa pa ang lahat ng nangyari. Parehong mabigat ang paghinga namin, pero puno ng saya at kapanatagan. "I love you," bulong niya habang nilalaro ang buhok ko. Malambot ang boses niya, parang musika sa pandinig ko. Ngumiti ako habang dinidikit ang ilong ko sa tenga niya. "Ako lang, DN, ha?" mahina kong bulong pero malinaw. "Ako lang dapat palagi." "Wala nang iba," sagot niya, walang pag–aalinlangan. "Ikaw lang. Asawa kita. Ikaw ang buhay ko." Hindi ko na n

