Chapter 95.2 Beatrice Celestine MABILIS akong tumayo, pero napakabilis rin ng hayop—nahablot agad niya ang braso ko. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Parang sumabog ang tenga ko sa lakas at halos mabingi ako. Umikot ang paningin ko. Halos mawalan ako ng malay. Napaluhod ako sa lupa. Bago pa man ako makarecover, hinila niya ulit ang buhok ko. Ramdam ko na halos mapigtas na ang anit ko. Wala siyang awa. Talagang napaka–demonyo niya. "Bitawan mo ako..." hingal kong sigaw. Pero marahas niya akong tinulak. Natapilok ako at nawalan ng balanse. Sumubsob ako sa lupa. Tumama pa ang ulo ko sa matigas na bato. Napadaing ako at halos manlambot ang buong katawan ko. May malapot na bagay na gumapang sa noo ko. Ramdam kong dugo ito. "Bakit ba gusto mong nahihirapan ka, pussycat?"

