Chapter 12–Mga Boses Beatrice Celestine SI Lola Penelope, kasama sina Gina at Ate Bea, ang abalang nakikipag–usap sa wedding coordinator. Silang tatlo ang hands–on sa lahat—mula sa dekorasyon hanggang sa seating arrangement. Samantalang ang mga magulang ko? Wala. Hindi sila nakikialam. Gusto sana ni Mommy tumulong, pero mahigpit siyang pinagbawalan ni Daddy. Pinilit ko na lamang unawain siya. Mabuti pa ang mga magulang ni DN, mas nakikibahagi sa preparations. Pero si DN mismo? Wala. Ni anino niya, hindi nagpapakita sa amin. I message him, tinanong kung nasaan siya. Sagot niya? "Darating ako sa kasal natin kaya 'wag kang mag–alala. Hindi ko lang kayang makipagplastikan sa inyo, lalo na sa'yo." Huminga ako nang malalim. Okay, fine. Pero ngayon, kailangan naming magkita dahil may fitti

