Chapter 48 Beatrice Celestine ILANG minuto na ring pinapadaan ng OB ang probe sa tiyan ko. Eight weeks—walong linggo pa lang, pero para sa katawan ko, parang walong buwan na agad ang pagod at kaba. Mabuti na lang at natapos ko na ang dalawang shoot ng commercial at mamaya ay flight ko na papuntang Amerika para sa shooting ng pelikula namin ni Andrew, after 6 weeks na shooting ay diretso na ako sa Netherlands para doon manganak. "Okay, Ms. Madrigal... please try not to panic ah," ani Doc habang nakatitig pa rin sa screen. Napalingon ako sa kanya. Kinabahan ako sa tono niya. Mabilis ang t***k ng puso ko. Si Brent sa tabi ko, kakauwi niya lang kahapon at sinamahan niya ako today. Hindi na lingid sa kaalaman niyang buntis ako, tahimik lang pero ramdam ko ang pag–aalala sa mukha niya. "Doc

