Chapter 28 Beatrice Celestine WITH a horified gasp, pasimple kong binawi ang binti ko mula sa pagkakahawak ni Amari pero ang mga mata ko diretsong tumingin pabalik sa kanya. Walang takot at walang pag–alingan. Kung akala niya matitinag ako sa titig niya, nagkakamali siya. "A–Amari just saved me...." sabi ko na medyo nanginginig ang boses, tinuturo ang binti ko. "Pinulikat ako." "Really?" umiling lang si DN habang sinabayan ng sarkastikong tawa. May bahid ng malisya ang tingin niya—halatang hindi siya naniniwala. "You looked fine to me," his tone of voice sounded curious but indifferent. Tumayo si Amari sa tabi ko, halatang pinipigil ang inis. "Bro, come on. I had to pull her out. She was cramping bad." Paliwanag nito. Pero kahit malinaw ang sinabi ni Amari, iba pa rin ang unawa ni D

