Chapter 23 Beatrice Celestine ILANG buwan na ang lumipas...pero wala pa ring pagbabago sa pagitan namin ni DN. Gano'n pa rin kami ni DN. Walang kasing lamig sa yelo ang pakikitungo niya sa akin. May mga gabing umuuwi siyang lasing, at kung minsan, hindi siya dito natutulog. Hindi ko na siya tinatanong. Dahil hindi naman niya ako sinasagot. Pero araw–araw, ginagawa ko pa rin ang lahat—niluluto ang paborito niyang ulam, inaayos ang mga gamit niya, nililinis ang buong bahay. Lahat ng pwede kong gawin, ang mga hindi ko ginagawa noon ay nagagawa ko dahil sa kanya... kahit alam kong wala siyang pakialam. "DN, kain ka na," madalas kong alok kapag umuuwi siya. "Busog na ako," tipid niyang sagot. Or worse, "I ate at the clinic." Parang hindi na talaga ako parte ng buhay n'ya. Parang isa lang

