Chapter 34 Beatrice Celestine MAHIGIT isang oras kong inabala ang sarili ko sa pagdidilig ng mga halaman—para hindi ako lamunin ng lungkot. Sa hose na hawak ko, paulit–ulit kong tinutok ang tubig sa mga paso. Hindi ko na nga maalala kung alin na ang nadiligan at kung alin ang hindi. Ayokong umupo. Ayoko ring tumigil. Dahil kapag wala akong ginagawa, bumabalik ang lahat. Lahat ng sinabi niya, ang tingin niya at lalo na ang sakit. Until in my peripheral vision, may nahagip. Lumingon ako nang bahagya. Si DN. Lumabas siya ng bahay. Nakaligo na at nakabihis, mukhang aalis na Umiwas agad ako nang tingin. Nagkunwari, abala pa rin sa pagdidilig. Kahit pa ramdam kong nakatingin siya sa akin, hindi ko siya pinansin. Ayokong makita niya na kahit papano, tinatamaan pa rin ako. May ilang segundo

