Chapter 105 Dmitri Nikolai TAHIMIK lang ako sa loob ng sasakyan habang sinusundan namin ang kotse ni Paolo. Mabagal lang ang takbo nila, para bang wala silang iniintinding oras. Para bang...sinasadya niyang pabagalin ang oras para makasama ang asawa ko ng matagal. Pagliko nila sa Ayala, napakunot na ang noo ko. Papunta sila sa Makati side. At nang tuluyan silang tumigil sa harap ng Manila Peninsula, mas lalo akong nainis. "Talaga? Hotel?" napamura ako nang mahina. Mula sa loob ng sasakyan ni Uno, kitang–kita ko si Paolo na bumaba ng kotse at umikot sa passenger side. Binuksan niya ang pinto at inabot ang kamay niya kay Beatrice. Putcha naman Trice, 'di man lang umiwas. Pinaalalayan pa ang sarili pababa. Holding hands habang naglalakad papasok sa hotel entrance. Dammit! "Uno, nakita

