Chapter 106 Dmitri Nikolai LUMABAS sila ng hotel at sumakay pabalik sa kotse ni Paolo, agad akong kumilos. Mabilis ang mga hakbang ko pabalik sa kotse ni Uno. Pagkabukas ng pinto, halos hindi pa ako makaupo nang utusan ko siya. "Sundan mo ang kotse ni Paolo." Tiningnan lang niya ako saglit bago tumango. Wala nang tanong pa. Umusad agad ang sasakyan. Tahimik ako habang binabaybay namin ang kalsada. Nakatingin lang sa likuran ng sasakyan ni Paolo, hawak ang gilid ng upuan, pilit pinipigilan ang galit ko. Hindi pa ba sila tapos? Pagkatapos sa hotel, ngayon naman sa isang skyscraper resto dito din sa Makati. Anong gagawin nila dito? Wala pa bang balak na umuwi si Beatrice? Bumaba ang dalawa. Magkakasabay ang galaw nila. Si Paolo, nakapag–palit na ng damit. Siguro may dalang extrang dam

