Chapter 16 Beatrice Celestine PAPALAYO na ako nang biglang umalingawngaw ang isang tunog na nagpahinto sa lahat. Isang malakas na suntok ang pumailanlang sa ere. Kasabay noon, nakita ko si DN napasadsad sa isang mesa. Sapo nito ang dumudugong ilong. Napatili ako. Lahat yata ng tao sa paligid ay napatili rin. Mabilis kong nilapitan si DN, halos kasabay ang Mommy Zoey niya. I was horrified to see the blood oozing from his nose. "Damn, Madrigal! Masakit ba ang ibalik ko lang sa inyo, ang nangyari noon?" Dean hissed, hawak ang ilong na nasuntok. Humakbang pa palapit ang Daddy ko, ang galit sa mga mata niya ay parang apoy na gustong lumamon sa lahat. His face was a mask of fury—hindi galit na pwede mong pagbigyan, kundi galit na mapanganib. Nang akmang yuyukoin nito si DN, agad na akong

