Chapter 76 Beatrice Celestine WALA pang limang minuto mula sa madamdaming tagpo ng mag–ama ko nang dumating si Daddy. Kasunod niya si Kuya Fabio, na agad nagtungo sa security room kasama ang ilang guard. "Check the perimeter footage. Every camera, every angle. Lalo na sa east side," utos ni Fabio habang mabilis na sinusuri ang system. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Naroon pa rin ako sa tabi ng sofa, habang nasa harap ko si DN at ang dalawang bata na hanggang ngayon ay nakakapit pa rin sa kanya. Parang ayaw na nilang humiwalay. Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Fabio sa sala, hawak ang tablet. "Trice," tawag niya sa akin. 'We got them on video." Lumapit si Daddy sa likod ko. Pinanood naming lahat ang footage. Dalawang lalaking hindi pamilyar ang mukha ang lumapit kina Cole at C

