Chapter 22 Beatrice Celestine I WOKE up early in the morning. Para ipagluto si DN. Gusto kong magpasalamat sa kanya. Hindi ko man nasabi kahapon, pero ramdam ko pa rin hanggang ngayon 'yung ginawa niya. Kahit hindi na siya nagsalita pa pagkatapos sapakin 'yung kaibigan niya. Pinatid niya lang ako kay Darina pauwi, tahimik kaming dalawa sa buong biyahe. Hindi ko na rin siya tinanong kung saan nagpunta ang Kuya kahit ito'y shock sa ginawa ng Kuya niya, pero aaminin ko, inantay ko siya buong magdamag. Nakahiga ako pero gising ang utak. Bawat kaluskos nagigising ako. Pero wala pa rin siya. Hanggang sa marinig ko na lang si Manang Sita sa labas ng kwarto ko kaninang madaling araw, nagsasabing sa hacienda daw natulog si DN. Pero ngayon, habang nasa kusina ako, narinig kong sinabi ni Manang

