Chapter 90 Beatrice Celestine "SO, sabay tayong magbreakfast,” yaya niya. Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya. May ngiti sa labi pero 'yung mata niya, doon ako natigilan. Para siyang batang takot na baka tanggihan ko. "Yeah, sure," sagot ko sa wakas. "Pero don't get too comfortable." He chuckled softly. "Noted." Kinuha niya ang tray na nilapag sa side table at dinala sa veranda at sumunod naman ako sa kanya. Mula rito, tanaw na tanaw ko ang asul at malawak na karagatan at ang berdeng kapaligiran. Tama nga ako, nasa taas kaming bahagi ng burol. Hinila niya ang isang upuan. Umupo ako, at gaya ng inaasahan — gentleman mode activated si DN. Inilapit niya sa akin ang plato, nilagyan ng kanin, nilagay ang tapsilog sa gilid, pati 'yung itlog na sunny side up, perfect pa pagkakaluto. May p

