Chapter 85 Beatrice Celestine I WOKE up at 3 a.m. Maaga akong nagising. Hindi dahil sa alarm, kundi dahil sa utak kong ayaw matahimik. Bumangon ako nang dahan–dahan at naupo sa gilid ng kama. Saglit akong napamasahe sa sentido ko. Pakiramdam ko, hindi ako tulog kagabi—kahit nakapikit ako buong magdamag. Ang dami kong iniisip. Lalo na yung nangyari kagabi... yung pagtatapat ni Brent. 'Yung suntukan, sigawan, at sumbatang na mas masakit pa sa suntok. Napatingin ako sa tabi ko. Mahimbing pa ring natutulog ang mga anak ko. Parang mga anghel na walang kamalay–malay sa gulong kinasangkutan ng mga magulang nila. Isa–isa ko silang hinalikan sa noo. Pigil ang luha ko habang tinititigan sila. Para silang paalala kung bakit ko kailangang maging matatag, kahit parang gusto ko na lang sumuko kaga

