Chapter 84 Beatrice Celestine NAPATAYO ako sa kinauupoan. Hindi ko na kayang harapin si Brent. 'Yung dibdib ko, parang may nakapatong na kung anong bigat. Parang sasabog sa pinaghalong galit at pagkadismaya. Napapikit ako, saglit, trying to calm myself. I turned to Brent. "Umalis ka na, Brent," mahina pero mariin kong sabi sa kanya. "Bago pa ako makapagsalita ng hindi maganda laban sa'yo." Hindi siya agad gumalaw. Nakatayo lang siya sa harap ko, parang hinihintay kung may iba pa akong sasabihin. "I owe you everything..." I swallowed hard. "Ikaw 'yung nandiyan sa tabi ko... I trusted you in every way. Pero–" I paused. Hindi ko alam kung anong susunod. "Hindi ko alam, Brent. I gave you a chance...my children like you...but—" huminto ako ulit sabay iling. "I don't know anymore." Tuman

