Chapter 52 Beatrice Celestine AFTER two days. Wala akong nagawa kundi sumunod kay Lolo Franco. Mula nung araw na kinausap niya ako, sunod–sunod na ang mga desisyong parang hindi ko na hawak. Parang may sarili silang daan, at ako na lang ang kailangang makisabay. "Trice, anak, tayo na," sabi ni Daddy. Cole came running to me with his little backpack. "Mommy, can I bring my robot?" I smiled and nodded. "Of course, baby. Just don't lose it, okay?" Cael followed, dragging his small luggage like a little boss. Dannie, as usual, nakasabit sa braso ko, refusing to walk on her own. They were excited. Wala silang kamalay–malay sa kung anong nangyayari sa paligid nila. Tatlong itim na SUV ang naghihintay sa amin sa labas ng bahay. May mga naka–itim na bodyguard sa tabi—mahigpit ang tindig, h

