CHAPTER 3

1768 Words
NAIDA POV Kinabukasan ay maaga akong nagising, naeexcite rin ako dahil makikitat makakasama ko narin kahit papaano sila tito Jack at si Twinkle, bago ako pumunta sa bahay nila ay nagpaalam ako sa mall na pinagtrabahuan ko at namili ng pagkain na sigurado akong magugustuhan ni Twinkle "Ang aga mo naman Naida" bati na bungad sa akin ni Tito Jack ng makita nya ako "okay lang ho wala naman kasi akong ginagawa sa bahay" sabi ko habang papasok kami sa loob ng bahay nila "mamaya pa magigising si Twinkle" pahayag ni tito "Pero maghanda kana lang dyan ng pagkain mo habang tulog pa ang bata iha" dugtong nito at iniwan na ako dahil may gagawin pa daw sya halata nga sa itsura ni tito Jack na hindi sya nakakatulog ng maayos pero kahit na haggard tingnan iyang si tito ay makikita mo parin ang gandang lalaki nito, naghanda na ako para sa pang almusal na pagkain at nagtimpla nga ako ng gatas at kumain din ng tinapay "Oh pano ba yan alis na ako Naida, ikaw ng bahala sa anak ko" ilang minuto ang lumipas at nakita ko ulit si Tito Jack na nakabihis na, may dala din itong ilang gamit "Sige ho, pero kumain na po kayo?" tanong ko "Sa opisina na ako kakain" ngumiti ito at aalis na sana ng mapansin kong napatigil sya sa paglalakad "Oo nga pala, naalala ko na kamukha mo at kapangalan ang pamangkin ko na si Naida" biglang sabi nya na syang ikinatigas ko. nabigla ako sa sinabi nya kaya nabitawan ko ang basong hawak ko "s-sorry po" nataranta ako at hindi alam ang gagawin, nabasag pa nga ang basong hawak ko 'Ano ba yan Naida ang tanga mo! Unang araw mo pa naman!' sermon ko sa sarili ko "Naku! okay ka lang?" at hinila ako ni tito Jack papalayo sa nabasag na baso at tiningnan nya ako kung may sugat ba ako "Ano kaba namang bata ka hindi ka nag iingat!" dugtong nya pa natameme ako at hindi makapagsalita. 'He knew me!' "A-ano pong s-sinabi nyo?" pag uulit ko pa sa sinabi nya kanina "na kamukha mo at kapangalan ang pamangkin ko na namatay?" pati si tito ay naguguluhan sa reaksyon ko ngayon "Opo" sagot ko "Oo iha kahawig mo yung pamangkin ko na iyon kasama ng asawat anak ko ang pamilya ng pamangkin ko na pupunta sana dito sa manila pero namatay sila last year" pagkaklaro ni tito Ngayon ko lang napagtanto na akala ni tito ay walang nakaligtas sa amin noon, na buhay pa ako. "p-pasensya na po, saka condolence po ulit" hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa nangyari dahil walang may alam na buhay pa ako, na akala nila ay lahat kami namatay sa malagim na trahedya na iyon. Binalik tanaw ko ang nangyari noon at ngayon ko lang naisip na kahit isang sasakyan ay walang dumadaan ng sandaling iyon kaya wala kami mahingan ng tulong "Ate Naida?" napatagal ata ang pag iisip ko dahil hindi ko namalayan ang presensya ni Twinkle na ngayon ay nakaupo na nga sa upuan "good morning Twinkle" masayang bati ko dito na ipinagliban nalang ang pag iisip ko sa nangyari noon Limang araw narin mula ng magsimula akong maging yaya ni Twinkle at ang gaan gaan ng trato nila sa akin maging si Twinkle ay nakagaanan ko na ng loob. Kakatapos ko lang paliguan si Twinkle ay tumawag sa akin si Tito Jack "Hello po sir" sagot ko sa tawag "Ate Naida eto pong kulay pink na dress ang susuotin ko po" narinig kong sabi ni Twinkle di kalayuan sa akin, lumabas kasi ako ng kwarto nya para sagutin ang tawag ni Tito "Sige baby mamili kana dyan ng susuotin mo" sabi ko kay Twinkle na excited mamasyal ngayong araw, nakapagpaalam naman ako kay tito Jack kanina at pinayagan nya naman kami "Naida kasi hindi ako makakauwi mamaya" narinig kong sabi ni Tito Jack sa kabilang linya bigla akong natahimik at hindi alam ang sasabihin "Kung pwede ay dyan kana muna matulog sa bahay?" rinig ko pang sabi nito Agad ko naman naisip si Jonald at baka hindi iyon pumayag "A-ano po kasi sir Jack, baka pwedeng sa bahay nalang namin hindi ho kasi ako papayagan ng asawa ko" sagot ko kay tito Jack, alam din kasi ni tito Jack na may asawa na ako. Si Tito Jack naman ang natahimik ng ilang minuto na tila ba nag iisip hanggang sa narinig ko syang napabuntong hininga "Oh sige iha, ikaw na bahala sa anak ko ah. Hayaan mo bukas mag day off ka dahil wala naman akong trabaho bukas atsaka isend mo sakin ang address mo at ako na ang kukuha kay Twinkle bukas sa inyo" nagbilin pa sa akin si Tito Jack ng mga bawal at hindi bawal kay Twinkle at sinabi ko narin sa kanya ang address ko, tinext ko narin para sigurado "Paano ba yan Twinkle hindi makakauwi si papa mo mamayang gabi" sabi ko habang iniipitan ko ng buhok si Twinkle "Bakit daw po?" nakita ko ang lungkot sa mga mata nya "Mag oovertime kasi yung papa mo at kailangan matapos ang trabaho" paliwanag ko sa bata at hinarap sya sa akin "Kaya gusto mo ba sa bahay muna ikaw matulog?" tanong ko dito "katabi ko po ikaw matulog mamaya?" tanong ng bata sa akin kaya nginitian ko ito "Oo naman kulit" sabi ko dito na malapad ang pagkakangiti "Tuloy pa po ba ang pagpasyal natin sa mall ngayon?" tanong pa nito "Oo naman tuloy na tuloy" at tuwang tuwa na nga si Twinkle sa sinabi ko Inayos ko narin ang mga gamit nya na kakailanganin nya mamaya. Pagkarating namin ng mall ay inaya ko agad na kumain kami dahil hindi kami kumain kanina at dito nalang daw "Saan mo gusto kulit kumain?" tanong ko kay Twinkle umikot naman ang mga mata nya sa mall na tila ba naghahanap kung saan nya gusto kumain "sa Jollibee nalang po" nakangiting sabi nya at hinila ako papasok ng Jollibee Pagkatapos namin kumain ay hinayaan ko syang maglaro dito sa mall, nag ikot din kami at bumili ng kung anong magustuhan ng bata. Hinihintay nalang namin si Jonald dahil pauwi na nga kami "ate Naida mabait po ba ang asawa nyo?" tanong ng bata sakin habang naghihintay, may kinakain din syang ice cream "Oo naman Twinkle sobrang bait nun" sabi ko sa kanya ilang sandali nga lang ay dumating na si Jonald, nakabihis na ito ng simpleng white shirt at maong shorts at naka tsinelas din sya "Hi" bati nya sa amin na nakatingin kay Twinkle "Ang gwapo mo naman po" komento ng bata dito "paglaki ko po ganyang din kagwapo ang aasawahin ko" pilyo pa nitong dugtong natawa naman si Jonald sa sinabi ng bata sa kanya, alam narin kasi ni Jonald na sa bahay matutulog ang bata ngayong gabi "hi baby im Jonald whats your name?" malambing na tanong nya dito "Twinkle po" sabi ni Twinkle at tinaas ang mga kamay na para bang nagpapakarga tumingin muna sa akin si Jonald bago kinarga ang bata "Lets buy groceries" sabi nya sa akin kaya tahimik naman akong sumunod sa kanya dug. dug. dug Napahawak ako sa dibdib ko dahil palaging ganito ang reaksyon nito kapag kasama ko si Jonald, pansin ko din na pinagtitinginan din sya ng mga tao dito sa mall. Sino ba naman kasi ang hindi, napaka gwapo at napakabango nitong tingnan kahit simple lang ang kanyang pananamit. Mahal ko na ba sya? Hindi ko pa alam, siguro attracted ako sa kanya pero dapat hanggang doon lang. Kailangan ko itong pigilan. "Kuya Jonald gusto ko po ng donut" ilang minuto din siguro kami namili ng grocery para sa bahay at naglalakad na kami palabas ng mall ng may makitang gustong pagkain si Twinkle "You want donut baby?" agad na tanong ko at bibili na sana ng donut ng pigilan ako ni Jonald "Ako na" hindi sana ako papayag ng magpumilit parin si Jonald "baby you want KUYA JONALD to buy you donut right?" tanong ni Jonald kay Twinkle na diniinan talaga ang pangalan nya "Opo kuya Jonald" magalang naman na sagot nito kaya wala na akong nagawa "I insist" sabi sakin ni Jonald na hinawakan pa ang kamay ko bago bumili ng donut Nakatulog si Twinkle ng makauwi na kami sa bahay at si Jonald na nga ang nagkarga kay Twinkle papasok sa loob "Rest here and i will call you if im done preparing our food" sabi saakin ni Jonald ng maihiga nya sa kama si Twinkle na mahimbing ang tulog Hindi na ako nakaangal dahil umalis agad sya ng kwarto ko dug dug dug Isinawalang bahala ko nalang ang malakas na kabog nanaman ng puso ko --- kinabukasan ay pumunta nga dito si Tito Jack para kunin si Twinkle "Abay iha mayaman ka pala bakit kapa nag apply ng trabaho bilang yaya?" tanong sa akin ni Tito Jack, nandito kami sa living room at inalok ko sya ng pagkain. Halata din kasi na dito na sya dumiretso pagkatapos ng trabaho nya at wala pa syang tulog "Iyong asawa ko po sir hindi po ako, taga probinsya po talaga ako napadpad lang sa manila para magtrabaho" pag amin ko dito dahil hindi naman talaga akin ito "Papa ang bait po ni kuya Jonald binilhan ako ng donut" pagkekwento naman ni Twinkle sa kanyang ama Hindi rin naman sila nagtagal dito at umuwi narin sila "Rest day mo na muna bukas iha ha, atsaka may nahanap na din akong yaya ng anak ko next week pero kung gusto mo pag wala kang pasok ay ikaw ang mag alaga sa anak ko" iyon ang napag usapan namin ni Tito Jack bago sila umalis na syang tinanggap ko agad dahil gusto ko pa silang makita at makasama, kahit na hindi nila ako makilala ay okay na ako sa ganitong setup namin. Mabilis lumipas ang mga araw at eto na nga ang unang araw ko bilang college student dito sa Montenegro University, suot suot ko narin ang uniform ko 'goodluck. see you around' natanggap kong chat sa akin ni Jonald kaya napangiti ako Maaga akong pumunta sa MU (Montenegro University) para ikutin ang napakalaking paaralan na ito "Wow" iyon at iyon ang katagang paulit ulit na lumalabas sa bibig ko dahil sobrang ganda naman talaga dito "Watch out!" nagulat ako ng may biglang humila sa akin "T-thank you" gulat ko dahil sa bilis ng mga nangyari may mga naghahabulan kasing mga estudyante at muntik na akong mabangga kung hindi lang ako hinila nitong babae, kung saan saan kasi ako nakatingin "be careful tsk!" pagalit nito sa akin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD