NAIDA POV
"shes Jonah Montenegro" sinusundan ko ng tingin ang babaeng tumulong sakin kanina, kahit na mukhang nainis pa ito sa pagtulong sa akin dahil sa katangahan ko
"mabait naman yan si Jonah pero may pagka brat and rude talaga kung minsan" dugtong pa ng babaeng lumapit sa akin, maganda at chinita ang babaeng ito
"and shes a Montenegro the youngest daughter who owns this University" nakangiting sabi pa ng isa pang babae na medyo chubby pero maganda parin
Alam ko naman iyon na mayayaman ang isang Montenegro dahil minsan ko na din binackround check ang pamilya ni Jonald. Isa sila sa pinakamayamang tao dito sa pilipinas at sa buong mundo.
"Hi we can see that were the same course and ofcourse new here in MU kaya nilapitan ka namin" nakangiting sabi ng chinitang babae "Ako nga pala si Diane Sy" pagpapakilala pa nito
Pareparehas ang uniform ng mga estudyante dito sa MU pero ang pinagkaiba lang ay ang kulay na suot ng vest or ng polo. Sa aming Tourism na kurso dalawang klase ang uniform namin ito ay ang dalawang white long sleeve at blue vest, blue polo at may necktie din kami na kulay itim, Isang black slacks at Isang black skirt na above the knee ang haba.
"Ako naman si Irish Gonzaga" pagpapakilala din ng mejo chubby na babae
Ngumiti nalang din ako sa kanila at pinakilala din ang sarili "Ang pangalan ko naman ay si Naida May Jeronimo" sabi ko sa kanila
Sabay sabay kaming pumunta sa gym dahil doon daw gaganapin ang Orientation para sa aming mga 1st year college.
"First rule always be clean and neat, you students represents the Montenegro University blah blah blah" naabutan naming may nagsasalita sa harapan pero hindi ko na inabalang pakinggan pa dahil agad hinanap ng mga mata ko si Jonald.
At hindi nga ako nabigo dahil nakita ko sya kasama ang iba pang mga guro, ngayon ko lang kasing makikita syang nakasuot ng uniforme ng pangguro at shet sobrang gwapo nya
"Ang gwapo talaga ni sir Jonald no?" nagpantig ang mga taynga ko ng marinig sila Diane at Irish na pinaguusapan ang asawa ko.
bigla naman akong kinilig sa aking naisip, dahil kahit na kasal lang kami sa papel ay totoong asawa ko parin sya
"Oo, mag aaral talaga ako ng mabuti dahil ang daming gwapong professor dito sa MU"
hindi lang naman sila Irish at Diane ang nag uusap tungkol sa mga lalaking gwapong guro dito sa MU maging ang ibang estudyante din. Natatawa nalang ako dahil sa mga naririnig ko, pero sabagay may tama din naman sila dahil kahit ako ay magsisipag sa pag aral kung gwapo ang maging guro dahil nakakadagdag din sila ng inspirasyon sa aming mga estudyante. Masarap tingnan at pakinggan kapag gwapo o maganda ang nagtururo.
Napakunot ang noo ko ng mapansing may lumalandi sa asawa ko, kapya nya rin ito guro at sobrang ganda ng babaeng guro na ito. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko, selos nga ba ito?
"Naida okay ka lang ba?" nagitla ako ng magsalita malapit sa tenga ko si Irish kaya napatingin ako sa kanya
"Parang ang talim kasi ng tingin mo, makakapatay kana ng tao" pagbibiro na dugtong nito kaya iniwas ko ang aking tingin
"W-wala may iniisip lang ako" pagdadahilan ko nalang at hindi na tiningnan sila Jonald
"ah akala ko kasi doon ka nakatingin sa magandang babaeng guro sa harapan" kibit balikat na sabi nito
Ng matapos ang orientation ay nag aya agad ang dalawa na magpasalon dahil may party na magaganap dito sa campus mamaya, pa welcome party daw sa mga student ng MU.
"excited na ako mamaya" kinikilig na sabi ni Diane
"Oo nga at sigurado ako na engrande ang party mamaya" segunda naman ni Irish
"Formal party ba naman"
wala naman talaga akong balak mag attend ng party mamaya dahil wala naman akong hilig sa mga party na iyan at pakiramdam ko ay hindi ako bagay sa mga ganyan. Puro kasi mayayaman ang mga estudyante ng MU at ilan lang kaming mga scholar ng paaralan.
Kahit ayaw ni Jonald na maging scholar ako ay nagpumilit ako lalo nat nalaman kong nakapasa ako ng exam dahil sa totoo lang ay nahihiya na ako sa mga ginagawang kabutihan ni Jonald para sa akin.
"Dali na Naida sumama kana sa amin, magsasalon tayo para maganda tayo mamaya"
dahil sa nagpumilit ang dalawa ay wala na akong nagawa, total naman ay bihira lang ito, at para narin maranasan ko ang mga ganitong bagay
"Oo na" nakangiting napilitan kong sagot sa kanila
"Lets go buy our dresses" masayang sabi ng dalawa at hinila na nga ako kung saan
Formal attire na kulay ginto ang theme ng party mamaya kaya maghahanap kami ng gown na masusuot para mamaya
Ilang oras din kami naghanap at ilang store din ang pinuntahan namin hanggang sa masatisfied sila sa nakita
"Wah i love it" kung pwede lang magkaroon ng puso ang mga mata ay tiyak mangyayari dahil sa reaksyon ng dalawa na gustong gusto ang mga nakikita
Napapailing nalang ako dahil siguro ganito talaga ang mga mayayaman
"I try this" nakangiting sabi ni Irish na hawak hawak ang golden gown na tube pero hapit na hapit sa katawan
"Go sis" sabi ni Diane, habang naghihintay ay naghahanap si Diane ng gown nya kaya sinubukan ko ring maghanap at tiningnan ang presyo ng mga gown na narito
Napalunok ako ng wala sa oras at hindi makapaniwala sa nakitang presyo ng mga gown. Ang mamahal! Isang taong tuition fee ko na ata ito.
"May napili kana sis?" lumapit sa akin si Diane na may hawak na gown, isa itong long sleeve lace golden gown at split type din sya
Bago pa ako makapagsalita ay lumabas na nga si Irish suot suot ang gown na hawak nya kanina
"What do you think? isn't lovely?" patili nitong sabi
"Yes sis go na ang ganda mo dyan" komento naman agad ni Diane
"Surely will"
Sinukat din naman agad ni Diane ang napili nyang gown, hindi na ako namili ng gown mula ng malaman ko ang presyo ng mga ito, sobrang ganda nga ng mga gown na narito pero sobrang mahal naman at alam kong hindi ko kakayanin. Nakapili na silang dalawa pero ako ay wala pang napipili at wala akong balak pumili. Mabuti pa ngang hindi na ako sasali sa party mamaya para iwas gastos narin
"Eto sis you want this?" pinakita ni Irish ang hawak nyang off shoulder golden na gown at may mahabang hati din sya banda sa paa
"What about this sissy?" hawak naman ni Diane ang off shoulder na kulay ginto na gown, napapangiwi nalang ako kapag naiisip ang presyo ng mga gown na nandito
Naghihintay ang dalawa sa sagot ko kung anong pipiliin kong gown na susuotin mamaya nasukat ko narin ang mga ito at sobrang ganda nga ng dalawa kaya kahit may pera ako ay mahihirapan akong mamili
"Excuse me maam your husband pays for the gowns and this is your gown maam" narinig kong napasinghap ang dalawa sa sinabi ng manager ng shop na ito, dala ng assistant nya ang isang malaking box at pinakita sa akin ang laman
"Wow" sabay na sabi ng dalawa
Ang t***k ng puso ko hindi ko nanaman maintindihan, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jonald
"uy grabe ka naman hindi mo naman kailangang gawin to" sabi ko sa kanya pagkasagot nya ng tawag
narinig ko naman ang pagtawa nya sa kabilang linya
"I saw you doubting to buy the gown---" luminga linga ako sa paligid sa sinabi nya hanggang sa makita ko sya di kalayuan kung nasaan kami
"See you later" narinig ko pang sabi nya sa kabilang linya at pinatay ang tawag
Gusto ko syang lapitan pero hindi pwede dahil nga may kasama ako
"May asawa kana pala sissy" ng bumalik ako sa pwesto namin ay nagtanong agad ang dalawa