bc

Till Death Won't Do Us Part

book_age18+
1.6K
FOLLOW
8.8K
READ
sex
manipulative
badboy
billionairess
bxg
mystery
ghost
realistic earth
crime
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Warning! Matured content (R18)

Nahulog si Elaine Santillan sa pinakitang kabaitan at kabutihan sa kaniya ni Benjamin Almonte, and hacienderong biyudo na nakilala niya sa isang cruise line habang nagbabakasyon kasama ang kaibigang si Wilma. Nahulog siya sa charm at sad boy drama ng biyudo.

Agad silang nagkaibigan at di kalaunan ay nagpakasal, subalit tila hindi masaya ang namayapang asawa ni Benj dahil dinadalaw siya nito sa panaginip at nagpaparamdam sa hacienda. Akala rin ni Elaine ay permanente na ang kaligayahang nadarama sa piling ng asawa, subalit hindi siya handa sa matutuklasan niya sa katauhan nito.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: ANG BAGONG KASAL
Naglalakad ako sa hardin nang makaramdam ako ng kakaibang lamig. Nakakakilabot ang pakiramdam at nagtayuan ang balahibo ko. Hindi ko na sana ito papansinin subalit nakarinig ako ng bulong mula sa hangin. Ang tinig ng babae ay tila nagmumula sa malalim na balon. ‎‎‎‎‎ "Umalis ka na...." ‎‎‎‎‎ Nagpalinga-linga ako sa palibot ng looban ng hacienda subalit wala namang ibang tao malapit sa kinaroroonan ko. Ang ibang mga tauhan ay abala sa paglilinis ng malawak na hacienda, ang mga bata naman na anak ng mga tauhan nila ay nagsisipaglaro. Nakaramdam ako ng takot kung kaya't lakad-takbo ang ginawa ko patungo sa loob ng villa. Binuksan ko ang pinto ng silid at nagbukas ng telebisyon. Hindi pa man nagtatagal ang panonood ko ay nakaramdam ulit ako ng pagtayo ng balahibo. Nagmamadali akong lumabas ng silid saka tumakbo palabas ng villa. Sapo ko ang dibdib habang hinihingal dahil sa pagtakbo. Huminga ako nang malalim, pakiramdam ko'y nakipaghabulan ako sa kabayo. Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakatayo sa hardin nang may tumama sa aking kanang pisngi na malamig na hangin at narinig ang mahinang bulong, "Umalis ka na rito...." ‎‎‎‎‎ Nandilat ang mga mata ko. Hindi ko kilala ang tinig na iyon, pero tinig ng babae ang tiyak kong narinig ko! Napalingon ako sa kanan at nakita ko ang pinakanakakatakot na mukha sa buong buhay ko. Luwa ang mga mata nito na kulay itim, naaagnas ang mukha at nangingitim ang mga labi. Naramdaman ko na lang na tumumba ako at hindi ko na namalayan kung ano ang sumunod na nangyari. ‎‎‎‎‎ Nagising ako nang masakit ang batok ko, at nanghihina ako. ‎‎‎‎‎ "Elaine, mabuti at gising ka na. Ano ang nangyari sa 'yo?" tanong ni Benj sa akin. "Nawalan ka raw ng malay sa hardin kanina, tumama ang ulo mo." ‎‎‎‎‎ "May narinig kasi akong nakakatakot na tinig kanina. Hindi ko alam kung ano 'yon." Nasapo ko ang noo ko dahil sa pagkahilo. "Imahinasyon mo lang 'yon. Ang mabuti pa'y inumin mo na muna itong gamot para mawala ang hilo mo." Iniabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at ang isang puting tableta. ‎‎‎‎‎ Saglit akong napatigil bago ko isinubo ang gamot at uminom ng tubig. ‎‎‎‎‎ "Dito ka na muna at magpahinga. Aasikasuhin ko lang ang mga tauhan natin sa hacienda." Hinalikan niya ako sa noo bago siya lumabas ng silid. ‎‎‎‎‎ Agad akong tumakbo patungong banyo saka iniluwa ang tubig at gamot na inipon ko sa loob ng bibig ko. Nagmumog ako nang husto bago ako nagbalik sa kama. Ayoko talaga ng gamot, pero dahil ayoko ring ma-turn off ang asawa ko sa akin kaya kunwari kong iniinom ang binibigay niya sa akin. ‎‎‎‎‎ Naalala ko bigla ang nabasa ko sa isang punit na pahina ng tila diary noong isang araw. Nakita ko lang iyon habang naglilinis sa storage room sa basement. ‎‎‎‎‎ ‎‎‎‎‎ June 1, 2020 ‎‎‎‎‎ Dear Diary, ‎‎‎‎‎ Minahal ko siya nang totoo. Sa maikling panahon na nakilala ko siya ay minahal ko siya agad. Napakabuti niya sa akin maging sa ibang tao. Wala akong maipipintas sa kaniya. ‎‎‎‎‎ Masaya kaming nagsasama sa iisang bubong. Wala akong masasabing mali sa kaniya. Ipinadama niya sa akin ang kaligayahang hindi ko nadama sa buong buhay ko. Ang mga haplos at halik niya ang nagpapagising sa kaibuturan ko. ‎‎‎‎‎ Anuman ang mangyari, Ipinapangako ko na magiging tapat ako sa kaniya bilang maybahay niya, at magsasama kami maging hanggang sa kabilang buhay. Ipinangako ko iyan. Wala na sana akong mahihiling pa... pero hindi ko inaasahan ang mga nalaman ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos ang natuklasan ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ‎‎‎‎ Hanggang doon na lang ang nakasulat dahil punit na ang ibabang bahagi ng papel. Pinilit kong hanapin ang kaputol pero hindi ko mahanap. Masyadong marami ang nakatambak sa basement at maalikabok. Mukhang matagal nang hindi nalilinisan. Diary siguro iyon ng dating asawa niya o ng kasambahay niya. Inalis ko na lang sa isipan ko ang nabasa ko. Nakaraan na siya ng asawa ko at patay na siya. Ibinalik ko na lang ang punit na papel sa isa sa mga kahon. Ayoko nang isipin pa kung ano at para saan ang mga nakasulat na 'yon sa papel. ‎‎‎‎‎ Napabuntong-hininga na lang ako. Nilingon ko at pinagmasdan ang larawan naming mag-asawa na nakasabit sa headboard ng kama. Napangiti ako. Wala pang isang linggo nang ikasal kami ni Benjamin, at kalilipat lang namin sa Haciend Leya noong isang araw. Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala. ‎‎‎‎‎ "Elaine, salamat sa libre mo ha. Nakapag-Carribean cruise tuloy ako." Sumipsip sa straw ng orange juice si Wilma, kaibigan ko mula pa noong first year sa college. Nakabilad kami ngayon sa pool area sa top deck ng barko, nakaupo sa portable swimming pool lounger habang nagpapa-tan ng balat namin. Suot ni Wilma ang black bikini habang pula naman ang suot ko. ‎‎‎‎‎ "Lagi naman eh," natatawang biro ko. ‎‎‎‎ "Inalisan ako ng allowance ni Papa eh," reklamo nito. ‎‎‎‎ "Lagi ka namang walang allowance dahil laging mababa ang grades mo hanggang sa maka-graduate tayo. Panay Mobile Legends kasi ang inaatupag eh," biro ko rito. Napansin ko ang pagkamot nito sa batok. "Hanggang ngayon, ayaw mo pa ring pumasok sa kumpanya ninyo. Panay lamyerda ang inuuna kaya inalisan ka rin ng allowance ni Tito Willie." ‎‎‎‎ "Kumusta na nga pala si Felix? Ano na ang balita sa ex mo?" tanong ng kaibigan ko para baguhin ang usapan. ‎‎ Napabuntong-hininga ako. "Ayun, ang balita ko nasa bago na naman niyang girlfriend. Hindi matiis na walang babaeng pinapaiyak tulad ko. Porke ba nasa ibang bansa ako, eh, dapat na siyang mangaliwa? Dalawang buwan lang naman akong nawala. Kinailangan kong asikasuhin ang pagbebenta ng shares ni Papa sa Amerika dahil ayaw na raw niyang mag-invest doon," himutok ko. "Kinaliwa rin daw niya ang ipinalit sa akin." ‎‎‎‎ "Buti nakita ng Mama mo ang pangangaliwa ng jowa mo, kung hindi, hanggang ngayon baka nangangaliwa pa rin 'yon." Inayos nito ang shades na suot. "Alam mo, baka kahit noong bago ka magpunta ng Amerika eh, niloloko ka na no'n, hindi mo lang nahuhuli." ‎‎‎‎ "Bahala siya, basta naka-move on na ako." Tumingala ako saka sumandal sa inuupuan. "Kalahating taon na rin naman mula nang nag-break kami. Ito ang dahilan ng pag-cruise ko ngayon. Moving on and finding a new man." ‎‎‎ "Tama 'yan, hindi ka dapat magpaapekto sa pagkawala ng lalaking 'yon. Marami pang lalaki riyan na mas deserving ka." Iniangat nito ang suot na shades. "Tulad ng lalaking 'yon." Itinuro nito sa akin ang isang lalaki na nakatayo lang sa gilid ng pool di kalayuan sa puwesto namin. May itsura ito at maganda ang pangangatawan. Aaminin ko, muntik nang tumulo ang laway ko sa brown chocolate abs na mayroon ang lalaking ito. ‎‎ "Mukha rin siyang Pinoy, ano?" tanong ko kay Wilma. "Iyong kulay niya, Pinoy na Pinoy, lalo na ang bilugang mga mata niya." "Naks! Mukhang nagka-interest ka nga sa kaniya ah!" natatawang biro ng kaibigan ko. "Gwapo naman kasi talaga. Ang lakas ng dating niya," sambit ko habang nakatitig pa rin sa lalaki. ‎‎‎ "Nasa cruise 'yan kaya may pera din 'yan. Paniguradong hindi lang pera ang hahabulin sa babae niyan, pero baka pabling kaya hinay-hinay din." ‎‎ "Ako ang bahala. Gagawan ko nang paraan para magkalapit kami." Lumuwang ang mga ngiti ko. "Sisiguraduhin ko rin na hindi ako magmumukhang cheap." ‎‎ Tumayo ako saka lumakad patungo sa pool at nag-dive. Ilang balik ang ginawa ko nang magpanggap akong pinupulikat nang malapit na ako sa tapat ng gwapong lalaking iyon. Suminghap-singhap ako habang kumakawag sa tubig. ‎‎‎ Namalayan ko na lang na may yumakap sa baywang ko saka ako hinila patungong gilid ng pool. Umubo-ubo ako saka na kunwaring hirap huminga. Tinulungan niya akong makaahon sa pool. ‎‎‎ "Are you okay, Miss?" tanong ng lalaki sa akin. ‎‎‎ Marahan akong tumango. Hindi na ako makaisip pa ng taktika para mas humaba ang pag-uusap namin kaya pumikit ako at umarteng nawalan ng malay. Naramdaman ko ang matitipuno niyang bisig na sumalo sa akin. ‎‎ "Miss! Miss!" tawag niya, pero pinagpatuloy ko ang pag-arte ko. Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin at dinala sa clinic. Narinig ko pa ang boses ni Wilma habang tinatawag ang pangalan ko. ‎‎ Natatawa pa rin ako habang iniisip ko ang kalokohan ko, pero maganda naman ang naging resulta at asawa ko na si Benj ngayon. Boto ang Mama ko dahil disente raw at matinong lalaki si Benj. Napangiti ako at nayakap ang unan sa sobrang kilig.‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
140.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
94.6K
bc

The Sex Web

read
149.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
37.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook