Andrei's Point of View
Nalulungkot ako dahil ganito ako. Nalulungkot ako dahil mahina ako. I am weak to the point na hindi ko manlang magawang masiguro ang kaligtasan naming lahat. Lalong lalo na ang kaligtasan ng babaeng gusto ko.
Hayss.
Naguguilty din ako dahil nakikita kong mas may nagagawa pa siya kesa sakin, na dapat ako ang gumagawa ng bagay na yun para sa amin.. para sa kanya. At ang ikinalulungkot ko ay madalang ko na lang siyang nakakasama dahil mahina ako. At ang madalas na nitong kasama ay 'yong si Klev na di hamak na mas malakas at mas may kakayahang iligtas siya kumpara sakin.
Ano ba naman 'yan Andrei. Napakawala mo namang silbi. Kaya heto ako ngayon. Imbes na tumulong sa pag-iisip ng magandang plano ay andito ako sa isang kwarto at nakahiga. Nagpapahinga. Habang sila ay nagpapakahirap.
"May tubig na ba?" napabalikwas ako sa pagkakahiga ko nang may magsalitang babae sa gilid ko.
"K-keia!" napangiti ako nang makitang gising na siya. Hindi ko halos nakilala ang boses nito dahil parang namaos siya. Epekto rin siguro iyon ng lason na kumalat sa katawan niya.
"Kailangan mo ng tubig?" nag-aalalang tanong ko. Tumawa naman siya na ikinakunot ng noo ko.
"I'm not asking for water."
"Eh bakit tinanong mo ako kanina kung may tubig na ba?" inosente kong balik-tanong sakanya.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Kaya baka kako naghuhukay ka na diyan sa isip mo at nakahukay kana ng tubig--" napahinto ito sa pagsasalita nang mapansing wala akong na-gets sa sinasabi niya.
"Gosh! Si Andrei ka nga pala. Why do I need to explain it to you one by one. Anyway, where are they?" tanong niya na nagpabalik sa kaninang nararamdaman ko.
"Planning."
"What are they planning to do? Makakalabas na tayo?!" galak ang nakita ko sa mukha niya. Pero agad din iyon nawala nang makita ang lungkot sa mukha ko.
"W-why?"
"Nagpaplano sila sa nalalapit na delubyo."
"De..lubyo? Don't scare me like that, Andrei."
"I'm not. Nakalimutan mo na ba kung nasaan tayo? We're here at hell."
"Alam ko naman yun. P-pero.. natatakot ako eh."
"Susunod ako sa baba. Stay here para makapagpahinga ka na. Ako nalang ang magsasabing--"
"No! I'm okay na--"
"You better save your energy."
"Saan? Sa delubyo? No. I can manage. I'm okay na nga Andrei. Let's go! I want to help." wala na akong nagawa pa nang mas nauna pa siyang lumabas sa kwartong kinaroroonan namin at hinila ako kahit hindi niya alam kung saan pupunta.
Pagkababa namin ay nakita namin silang nag-uusap sa dining. Nakangiti akong naglakad papalapit sakanila kasama si Keia. Excited na akong makita ang reaction nila oras na makitang gising na ang kaibigan namin.
Tatawagin ko na sana ang atensiyon nila nang bigla kong marinig ang mga sinabi ni Amarra na agad nagpakirot ng damdamin ko.
"Kaya hindi ako masyadong nakakaramdam ng takot kasi alam kong kasama ko kayo sa labang ito. Lalo na si Klev na alam kong hindi tayo papabayaan. Right, Klev?" nakangiti nitong turan habang nakatingin kay Klev.
"Yes. Of course. Hindi ko hahayaang mapahamak kayo." sagot naman nung Klev na nakangiti rin kay Amarra.
"Asus! Don't me nga Klevy. Alam kong ang gusto mong sabihin ay hindi mo hahayaang mapahamak si Amarra."
"Wag ka nga Sab. Nakakahiya ka alam mo ba yun?" si Amarra na sinusuway siya.
"Bakit ka mahihiya eh--sabagay, ikaw ba naman protektahan ng gwapong tulad niyan. Sino ka naman ba parahabakqmabnq qjabqjqj" hindi ko na nagawang intindihin pa ang sinasabi ni Sab dahil masyado na akong nasasaktan. Napatungo na lang ako at akmang tatalikod na nang pigilan ako ni Keia.
"Are you jealous?"
"No."
"Bakit nga ba tinatanong ko pa eh obvious naman. Let's go. Wag mo nalang pansinin--"
"I'm not jealous, Kei."
"Oo na. Hindi na. Mamamatay na yang puso mo itatanggi mo pa."
"Hindi nga sabi--"
"Obvious ka masyado, Andrei. Kung si Amarra hindi iyon nakikita, ibahin mo kami. Kahit hindi ka pa nagsasalita ay alam na naming may gusto ka sakanya." napatahimik akong tumingin kay Keia. Bakas sa reaction niya ang pagka-seryoso sa mga sinasabi. Maitatanggi ko pa ba? Maitatago ko pa ba? Kung kay Amarra posible pa. Pero hindi sa mga kaibigan ko. Sa kaibigan ko at hindi kasama si Amarra sa tinutukoy ko dahil alam ko sa sarili kong higit pa doon ang nararamdaman ko sakanya.
Napailing ako.
Bakit ko ba iniisip ang mga ganitong bagay sa kabila ng sitwasyon naming ito?
"Oh Andrei, andiyan ka pala. Kanina ka pa-- Keia!" sigaw ni Tim nang biglang mahagip ng paningin nito si Keia sa gilid ko na bahagyang nakatago sa pader.
"OMG, Keia!!!! You're awake na!" tumakbo naman papalapit si Sab sa gawi namin at niyakap kaagad si Keia.
"How are you feeling? Are you dizzy?" si Sab na sinagot lang ng iling ni Keia.
"Keia.." nalipat ang tingin namin nang lumapit si Amarra kay Keia at niyakap ito.
"Gosh. I'm not dead pa naman. Don't be like that." naiiyak na turan ni Keia.
"Ang OA neto! Pinag-alala mo kami ha!" bulyaw sakaniya ni Sab.
"Akala ko mag-me-meeting kayo?" tanong ko.
"Oo nga." Si Klev na hindi ko inasahang siya ang sasagot sa tanong ko.
"Iba ang naabutan ko na pinag-uusapan niyo." Hindi ko maiwasang hindi ipakita na naiinis ako.
"Tapos ma kami sa plano. Pinapagaan lang namin ang loob ng isa't isa." si Klev pa rin.
"Isa't isa.." sarcastic kong ulit sa sinabi niya. Iba ang narinig ko. Isa't isa pala ha? Kaya pala si Amarra lang nakampante dahil pinapagaan nila ang loob ng isa't isa.
"What's wrong, Andrei? Bakit ka bumaba? Okay ka na ba?" tanong ni Amarra kaya tinignan ko siya at pilit na ngumiti.
"Okay na ako. Hindi ako kasing hina ng inaakala niyo." nagulat siya sa sinabi ko. Na kahit ako ay nagulat din kung bakit ko nasabi ang mga 'yun.
"H-hindi naman-- s-sorry."
"Ah-- hindi yun ang ibig kong sabihin, Amarra. I'm sorry." pagbawi ko sa sinabi ko. Na offend ko yata siya.
"S-sorry kung yun ang naramdaman mo. G-gusto ko lang naman na magpahinga ka eh."
"No.. wala. Hindi yun. Ano kasi.." napakamot ako sa batok ko. "Sorry, mali ang nabitawan kong salita." pangungumbinsi ko sakanya na hindi parin mawala ang guilt sa itsura niya.
"Sorry, Andrei.."
"Amarra--"
"Amarra, pasama naman oh. Naiihi na kasi ako eh." biglang singit ni Keia dahilan para maputol ang pag-uusap namin. Saglit pang tumingin si Amarra sakin na hindi nagbabago ang reaksyon sa mukha niya bago ito umalis para samahan si Keia. Wala na akong nagawa kundi ang sundan nalang siya ng tingin.
"Watch your words." bigla akong napatingin kay Klev na siyang nagsalita.
"Hindi ko sinasadya yun." depensa ko.
"Pero na-offend siya sa sinabi mo. Napahiya pa siya sa harap ng mga kaibigan niyo."
"Hindi ko naman intensyon na mapahiya siya eh. Hindi ko rin ginusto ang nangyari."
"Yun naman pala eh. Bakit napaka careless mo parin sa lagay na yan?"
"Pwede ba, wag kang magmagaling? Masyado kang papapel eh. Ngayon lang nangyari ito. Kaya no need to remind me."
"Hindi ako nagpapapael kung yun ang tingin mo. Tss. Sabi ko you should watch your words. Nakakasakit ka, pre. Hindi mo alam na habang magkakasama kami kanina ay ikaw at ikaw lang ang inaalala niya. Hindi dahil iniisip niyang mahina ka. Nag-aalala siya sa'yo dahil mahalaga ka sakanya." inis akong tinalikuran ni Klev at mukha naman akong gunggong na nagising sa pinaggagawa ko. Ako nga ang mali. I'm sorry, Amarra.
"Wala akong kinakampihan ha. But at this point, Klev is right. You should watch your words, Andrei. I'm not mad at you. I understand your side kasi yun din ang inaalala ni Amarra kanina na mararamdaman mo. Pero nabigo siya dahil iyon parin pala ang naramdaman mo at the end kahit ang inaalala niya lang ay ang kalagayan mo."Si Sab naman ngayon ang pinagsasabihan ako. Hindi ko nagawang magsalita kaya tinapik niya ako sa kaliwang balikat ko bago umalis.
"May sasabihin ka rin?" baling ko kay Tim na naiwan sa tabi ko habang nakatingin sa akin. "Tama na. I know that it is all my fault. Nasasaktan ako sa bawat sasabihin niyo dahil alam kong tama kayo. Ako ang mali at nasaktan ko si Amarra sa sinabi ko. Tama si Klev. I'm careless."
"I know kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi na ako magsasalita dahil naiintindihan pa rin naman kita." sagot nito.
"Aaminin kong ako lang ang minamaliit ang kakayahan ko. What should I do?"
"Nothing. Knowing Amarra, hindi nun magawang magalit. Lalo na sa'yo."
"I'm useless."
"Stop underestimating yourself. Hindi maganda yan." pangaral niya sa'kin at napabuntong hininga na lang ako. "Let's go? Sumunod na tayo sakanila." aya ni Tim sa'kin at tumango na lang ako.