Sabrina's Point of View
I'm trying. I'm trying to cheer them up para kahit papano ay mapalitan naman ng ibang bagay ang isipan ng mga kaibigan ko. Kahit sa simpleng pagpapatawa o pagpapangiti lang sakanila. I'm trying to occupy their minds for them to forget the real problem. Kahit ilang minuto o oras lang. Kahit miski ako ay malapit na rin paghinaan ng loob. Pero dahil sa pinapakita ni Amarra ay nagagawa kong mapanatag dahil alam kong hindi niya kami papabayaan.
I've never seen her having that kind of personality before. Malaki ang pinagbago ni Amarra. Ngayon ko lang siya nakitang maging ganoon. Noong oras na buong tapang niyang hinarap ang leader ng mga bandido ay aaminin kong natakot ako para sakanya. Dahil sa aming magkakaibigan, ay siya yung taong seryoso pagdating sa mga taong mahal niya. Palaging straight to the point kapag magsalita at wala siyang pake alam kung ma-offend kapa nito. Sumasabay sa trip o kalokohan namin pero alam ang limitation. Siya ang taga-suway kapag sumusobra na kami. Pero ang isang Amarra din ang iyakin sa aming lahat. Madali siyang masaktan.. madali siyang panghinaan ng loob.. madali siyang makaramdam ng takot.. palaging may doubt sa sarili.. at higit sa lahat, madali siyang magalit.
Noong una ay nangamba ako sakanya dahil sa lahat ng mga katangian at kahinaan na meron siya ay nagawa no'ng burahin dahil sa galit na meron siya. Nangangamba ako na baka kung saan na siya dalhin ng galit na meron siya at makagawa siya ng padalos-dalos na desisyon. Pero naalala ko, siya pala si Amarra. Amarra na alam kong lahat ng ginagawa ay naaayon at para sa ikabubuti naming lahat. She's a tough girl, I know. And all we need to do is to support her and to be with her side no matter what.
Amarra.. we trust in you.
"Why are you here?" napalingon ako sa biglang pagdating ni Klev at tinabihan akong nakaupo sa isang bato sa labas ng palasyo. Katatapos lang naming kumain kaina at naisipan kong magpahangin muna at mag-isip-isip.
"Kasi malayo kay Amarra?" biro ko sabay tawa.
"She's a bully huh?" natawa din nitong sagot sa'kin.
"Oh, yeah! I'm telling the truth, Klevy."
"Klevy?"
"Cute right? Ang ikli kasi ng Klev kaya Klevy nalang. Whahaha!"
"Tss. Kapag may nakarinig sa atin--"
"Oh? Wala naman tayong ginagawang masama ah? Gwapo ka naman tapos maganda ako. Bagay tayo." biro ko pa ulit.
"H-hey. I mean, baka pagkamalan tayong mga inimicus dahil sa lengguwahe na ginagamit natin."
"Ah yun ba? So tayo pa pala ang mag-a-adjust?"
"Ganun na nga."
"Ano nga pala ang inimicus?" kunot noong tanong ko.
"Kalaban."
"Ah.. yun pala yun. Pero I don't care parin. Bahala sila diyan. Anyway, you're too serious huh?" tinaasan ko siya ng kilay. "Bagay talaga tayo, Klevy. Isang kwelang maganda s***h sexy na babae and a serious one." dagdag ko pa.
"You're not my type." diretsahan naman nitong sagot. Gosh! Medyo napahiya lang naman ang beauty ko do'n.
"Hoy ha? I was just joking. Dapat ka nang masanay because you're our friend now." depensa ko naman.
"I am. Pero yung mga jokes mo ni minsan hindi ko narinig na ginawa mo 'yun kay Tim."
"He's an exception. Because he's in love with Keia. Oh, they are in love with each other."
"They're obvious."
"Yeah. It is. Hahaha."
"Eh bakit hindi mo rin binibiro ng ganoon si Andrei?" wow. Seems like he's interested to my life. Hahaha. Kidding.
"Because.."
"Because?"
"Oh, I did!"
"Kailan?"
"Noon. Nung hindi ko pa nahahalata na may gusto siya kay Amarra."
"So, I'm right." sagot nito sa'kin kaya nagtaka naman ako.
"Huh?"
"Nahahalata ko rin."
"Buti ka pa nahahalata mo. I told you. Amarra is so numb. Sabi niya, bestfriend lang sila ni Andrei kaya ganun ang treatment nila sa isa't isa."
"Hindi alam ni Amarra na may gusto si Andrei sakanya?"
"Yes. Naaawa na ako kay Andrei eh. Lagi siyang andiyan sa tabi ni Amarra. He's always there just to protect her."
"Ginagawa naman yun lahat ng kaibigan ah?"
"Pero pagdating kay Amarra, laging may special treatment. Sabi mo nga nahalata mo diba?-- teka? Akala ko sa'kin ka interesado. Mukhang nalihis yata ang atensiyon mo." nakanguso kong sagot at kunwaring nagtatampo.
"Let's go? Baka hinahanap na nila tayo."
"Sasabihin ko nag-date tayo."
"Sabrina?" Seryoso naman nitong suway sa'kin.
"Okay, okay." natatawa kong sagot habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. "Hindi ka mabiro Klevy. Tara na nga! Ang arte mo talaga. To tell you the truth, hindi pa ako ready magka jowa. Tsaka hello? Nasa impyerno tayo. Uunahin ko pa ang love love na 'yan?" sabi ko habang hila-hila na siya papasok sa loob.
"Saan kayo galing?" si Tim ang sumalubong samin.
"Diyan lang sa labas. Nagpahangin." sagot ko. "Where's Amarra?"
"Nasa kwarto kung nasaan si Andrei at Keia."
"Eh bakit hindi mo siya samahan dun?"
"Inutusan ako eh." seryosong sagot naman nito.
"Bakit daw?" si Klev ang nagtanong.
"Hihingi ako ng lason."
"What?! Are you kidding?" gulat kong tanong sakanya.
Sino namang lalasunin niya?
"Samahan na kita." sagot ni Klev na hindi manlang nagtaka at nagtanong kung anong gagawin sa lason.
"A-anong-- s-sinong lalasunin niyo?" nag-aalala kong tanong.
"Para sa panang gagamitin natin. Pumasok kana doon at samahan si Amarra. Aalis lang kami ni Klev." sagot nito at wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Pagkaalis nila ay pumasok na ako sa silid kung saan nagpapahinga sina Andrei at Keia.
How long will you wake up, guys. May paparating nang delubyo.
Papasok na sana ako ng silid nang marinig kong may kausap si Amarra sa loob. Nahiya naman akong abalahin sila baka importante ang pinag-uusapan ng mga ito kaya naisipan ko na lang na umalis.
Tatalikod na sana ako nang marinig kung sino ang kausap niya.
"You sure you're okay?"
"Oo naman. Paano kita mapoprotektahan kung magpapakahina ako." sagot nito.
"Ikaw, puro ka talaga--"
"Andrei!!! Oh my.. thank God you're awake na!" patakbo akong pumasok at lumapit sakanya. Akmang yayakapin ko pa sana siya nang iharang nito ang dalawang kamay para hindi ako tuluyang dumikit sakanya.
"How are you feeling? Does it still hurt?" usisa ko.
"Hurt? Ang alin? Ang marinig sila ni Tim na pinag-uusapan ang ginawa ni Klev sakanya noong mga panahon na wala akong malay?" sarcastic na sagot ni Andrei kaya kumunot ang noong binalingan si Amarra.
"He's joking." natatawang sagot ni Amarra sakin.
"Sounds like you're jealous." tinaasan ko ng kilay si Andrei pero hindi niya iyon pinansin. Tumingin nalang ulit ako kay Amarra para magtanong.
"Anong plano?"
Huminga naman ito ng malalim bago sumagot. "Paghahandaan nating ang pagbabalik ng mga bandido." sagot nito.
"Mga bandido ba talaga ang kailangan nating talunin dito, Amarra? Mukhang sakanila pa lang ay mauubos na ang oras natin." nag-aalalang tanong ko.
"Mababaliw na ako sa kaiisip niyan, Sab. Kung kelan matatapos ito at kung kelan tayo makakalabas dito."
"Kakayanin natin ito. Hihintayin lang nating bumalik ang lakas mo, maging mabuti ang lagay Andrei at magising si Keia. Kapag mangyari yun ay makapagpapatuloy na tayo."
"Grabe pala ang epekto ng lason sa katawan ng kung sinong tataman nito." sabi ni Amarra na nakay Keia ang tingin.
"Hindi parin siya nagigising." kumento ni Andrei na nakatingin na rin kay Keia.
"Sure akong panis na ang laway niyan. Kawawa naman si Keia. Hindi na nakakadaldal. Kei, wake up na! Ang pangit mo na oh." bumaling ako kay Amarra. "Magiging ganito din kaya ang epekto ng lason kapag 'yong mga demonyong yun ang tatamaan?"
"Walang nakakaalam, Sab. Tinanong ko na rin 'yan sa mga taong may kakahayang gumawa ng lason at sabi nila hindi pa nila ito nagagamit sa mga nasasakupan ni Satan."
"What?!" gulat kong tanong. Ibig-sabihin ay hindi pala talaga nila sinubok lumaban?
"Utos iyon ng hari sakanila noon para sa kanilang kaligtasan."
"Kaduwagan.. pero hindi rin natin masisisi ang hari dahil ang tanging iniisip lang nito ay ang kaligtasan ng nakararami." si Andrei ang sumagot.
"Nagpahanap ka ng lason kay Tim. Anong plano mo?" tanong ko.
"Lalagyan natin ng mga lason ang armas na gagamitin natin sa pakikipaglaban. Alam kong hindi sapat iyon pero iyon ang mainam na gawin natin." paliwanag niya. Tumango lang ako dahil alam kong tama siya.
"Bukas ng umaga magpapatawag ng pagpupulong ang hari para sa lahat ng mga kawal sa bayang ito kasama tayo." Sabi ni Amarra. Nakatingin lang kami ni Andrei sakanya. "Bukas na rin ako magsasalita para sabihin ang magiging plano natin." dagdag pa nito.
"Sana maging successful. Sana magtagumpay tayo, Amarra. I really want to go home." malungkot kong turan. Lumapit naman ito sakin para himasin ang likod ko.
"Makakaalis tayo dito ng ligtas at magkakasama. I promise." sabi ni Amarra na nagpagaan sa kalooban ko. Mga salitang sumisiguro sakin para hindi ako matakot at huwag mawalan ng pag-asa.
Makalipas ang ilang oras ay nakabalik na sina Tim at Klev dala ang lason na nakalagay sa katamtamang laki ng garapon.
"Ito lang?" tanong ni Amarra.
"Iyan lang ang natitirang meron sila sa ngayon. Pero dahil sinabihan na sila ng hari tungkol sa pagtutulungan natin ay handa silang gumawa pa ng mas maraming lason." si Tim ang sumagot.
"Kailan naman nila maibibigay sa atin?"
"Bukas ay makakagawa na sila."
"Mabuti naman kung gano'n."
"Oh, Andrei. Gising ka na pala." tanong ni Klev nang mabalingan ito ng tingin.
"Yeah. Hindi naman ako napuruhan. Salamat nga pala sa pagtulong sa'kin." sinsero namang sagot ni Andrei sakanya.
"Ginawa ko lang kung anong sa tingin ko ang tama."
"And he's a part of our friendship na. Ang cool Andrei diba?" sagot ko naman.
"Amarra said that." dagdag ko pa nang bahagya pang kumunot ang noo niya.
"Ah.. I see. Good to hear that." sagot nito. "By the way, I need to sleep now. Para bukas ay makabalik na ang lakas ko."
"Mabuti pa nga." si Amarra. "Dapat lang na magpahinga ka. Hindi ko kakayanin kapag may mangyaring masama sa inyo."
"I will. Wag kana mag-alala. Magpahinga na rin kayo. Lalo ka na."
"Mamaya. May mga pag-uusapan lang muna kami para bukas, okay? Don't worry. Kaya ko pa. I will wait for your recovery." nakangiti namang sagot ni Amarra sakanya at nanlaki ang mata ko nang tumayo ito upang halikan ang noo ni Andrei. Hindi ko alam kung ngayon lang ginawa ni Amarra yun o kung ngayon lang niya pinakita sa'ming ginagawa niya kay Andrei yung ganon?
"Let's go?" yaya ni Amarra. Hindi na niya hinintay na makasagot pa kami dahil diretso na siyang lumabas ng silid.
Pagkarating sa lugar kung saan kami mag-uusap ay doon ko lang siya nagawang komprontahin sa ginawa niya. Tutal kaming apat lang ang andito.
"Hoy, Amarra. Ano yun ha?"
"Ang alin?" inosente naman nitong tanong.
"Yung kay Andrei."
"Kailangan niyang magpahinga."
"Oo alam ko. Alam namin. Pero Bakit may ganun?"
"Anong ganun?"
"Psh. Yung kiss sa noo. Bakit may ganun." pilit kong usisa.
Huminga siya ng malalim. "Kasi siya si Andrei." sagot nito. "Alam kong bababa ang tingin niya sa sarili niya kapag pinilit ko siyang huwag sumama satin."
"Bakit kasi hindi mo siya isinama?" si Tim.
"Hindi magaling si Andrei sa larangang ito. Alam niyo yun. Alam mo yun, Sab. Pero hindi sa minamaliit ko ang kakayahan ni Andrei. Ayaw ko lang madagdagan ang alalahanin niya gayong alam ko naman na kaya na nating akuin ang pagpaplano." paliwanag niya.
"Ayaw mong mahirapan si Andrei ganon?" si Klev.
"Oo." sagot ni Amarra at narinig ko namang napabuntong hininga pa si Klev.
"Ibang klase." hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin pero batid kong may pagka sarkastikong binanggit iyon ni Klev na nangisi pa at umiling-iling.