Amarra's Point of View
"Haaa!" sigaw ko at buong lakas kong sina-sangga ang sandata ng kalaban na pilit idinidiin sa'kin.
*Ting!* *Ting!* *Ting!*
Napalibutan ang buong paligid ng tunog ng nagbabanggaang mga sandata.
Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakikipaglaban na rin kagaya ko.
Kailangan naming manalo.
"Amarra!" napalingon ako sa likod ko nang marinig ang sigaw ni Klev. Agad ko namang nakita ang isang bandidong tinangka akong saksakin kaya napaiwas ako ngunit nadaplisan ako sa kaliwang braso.
"Bwisit ka!" sigaw ko sa inis at sinugod ang bandidong gumawa nun sakin. Buong lakas kong itinaas ang sandata ko at pikit-matang pinuntirya ang leeg nito.
Naiinis na ako. Napuno na ng galit ang pagkatao ko. Si Keia pa lang ang nasaktan samin at kagagawan iyon ng isa sa mga character lamang ng librong ito. Hindi ako makapapayag na may masaktan pang iba sa mga kaibigan ko. Dahil kapag nagkataon ay handa na akong pumatay ng kahit na sino. Maging ang hari at prinsipe pa 'yan ng mga demonyo. Gusto kong isumpa ang mundong ito at sa oras na makalabas ako dito ay susunugin ko ang librong iyon!
"Hindi sila maubos-ubos!" rinig kong sigaw ni Tim.
Iginala ko ang paningin ko at tama nga siya. Marami na kaming nasaktan at napatay pero parang hindi pa rin sila nababawasan. Bigla ay may naisip ako.
"Tim! Samahan mo ako dali!" sigaw ko at agad naman siya lumapit sakin habang panay ang paggalaw ng sandata niya upang patamaan ang nakakasalubong niya.
"Saan?! H-hindi natin sila pwedeng iwan dito." sagot niya habang pareho kaming abala sa pakikipaglaban.
"May naisip akong mas magandang paraan!" sigaw ko at hinila ang kamay ng isang bandido at inikot iyon patalikod hanggang sa mabali ang buto nito. Ilang tadyak pa muna ang binigay ko bago ko ito lubayan. Hinila ko na si Tim at pasimpleng umalis sa lugar na iyon at nagtungo sa isang pinakamalapit na turret.
"Anong gagawin natin dito?"
"Magaling ka umasinta hindi ba? Kailangan natin makipaglaban sa hindi nila tayo makikita." sagot ko at inabot sakanya ang bow at arrow. Kinuha ko rin ang sa'kin na iniwan ko kanina sa isang tabi.
"Tara na! Kailangan na nating kumilos." sabi ko at mabilis kaming umakyat sa taas ng turret.
Pagkarating sa taas ay bahagya pa akong nagulat. Iba ang turret na meron sila. Dahil ang turret na inaasahan kong makita ay gaya ng sa mga napapanood ko sa pelikula na may mga b***l. Pero hindi ang isang tulad dito. Parang ginawa lamang nila ito upang maging pwesto ng kung sino kapag naglo-look out.
Mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita namin ang mga nagkakagulo sa baba.
"T-tumutulong na sakanila ang mga kawal ng bayan." bulong ni Tim sakin. May parte sa'kin na natuwa dahil kahit papaano ay hindi nila kami hinayaang makipaglaban mag-isa at kusa na silang tumulong. Dahil siguro alam nilang mas makabubuti kung tutulungan nila kami.
"Sa susunod ay pag-aaralan ko na kung paano maglagay ng lason sa pana." sagot ko at ipinuwesto ang bow na may pana at naghanap ng target. Dahil hindi pa ako masyadong magaling umasinta ay sa likod ang mga inuna ko. Malayo sa mga kaibigan ko dahil natatakot akong sumablay at sila ang matamaan ko.
Sinilip kong mabuti ang pana at siniguradong nakatutok na ito sa gusto kong patamaan. Buong lakas kong hinila ang bow kung nasaan ang pana na hawak ko at agad itong binitawan. Nakaramdam pa ako ng pagkatuwa nang makita ko kung paanong natuod ang tinamaan ko ng paana at kaagad na natumba.
"Nice." nakangiti kong turan at kumuha ulit ng panibagong pana sa lalagyan ko. "Sa likod ako mag-uumpisa. Ikaw sa harap na malapit sa mga kaibigan natin." dagdag ko at muling naghanap ng aasintahin. Naging mabilis ang pagkilos namin ni Tim at marami na rin kaming napapatay dahil wala manlang nakakaalam kung kanino at kung saan nanggagaling ang mga lumilipad na pana. Marahil ay wala pang nakakagawa nito sakanila kaya wala silang idea. Dumaan pa ang ilang minuto at patuloy lang kami sa pag-asinta sa mga kalaban.
Ganun sila karaming sumugod dito?
"A-amarra, si Andrei!" sigaw ni Tim sakin. Agad naman ako nataranta at hinanap ng tingin si Andrei sa ibaba.
"A-asan siya? Anong nangyari?"
"M-may tama siya."
"Tinamaan mo?!"
"Hindi! H-hindi ko sigurado p-pero parang nasaksak siya--"
"s**t!" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Tim at agad na akong bumaba sa turret at mabilis ko siyang hinanap.
"S-sab! Nasaan si Andrei?" tanong ko nang siya ang una kong makita.
"H-hindi ko alam-- Haa!" sagot niya sakin habang nakikipaglaban parin. Nakita kong may lumapit kaagad sa'kin kaya sa galit ko ay sinalubong ko na ito ng saksak.
"Hindi ko siya napansin dahil nagkahiwalay kami!" sigaw niya kaya hindi ko na siya nagawang sagutin at hinanap si Andrei.
Mayamaya pa ay nakita ko si Klev na akay si Andrei at dinala iyon sa lugar malayo sa g**o.
"Andrei!" sigaw ko nang makita ko itong duguan. Bumaling ako ako Klev. "A-anong nangyari?!" nanginginig kong sinuri ang katawan ni Andrei at halos manghina ako nang makitang napuno na ng dugo ang tagiliran niya. Hawak na niya ito upang pigilan ang agos ng dugo.
"A-amarra.. h-hindi k-ko--" Hindi na niya magawang magsalita ng maayos dahil umuubo na ito.
"D-don't speak. Just stay h-here, Andrei. P-please just stay here. I'll be back. Hold on." nagaalala kong sabi at galit na tinignan ang mga bandidong patuloy parin sa pakikipaglaban sa amin.
"f**k this Gehenna! Ginagalit talaga nila ako." Inis kong sabi at tumayo.
"Amarra.." rinig kong tawag ni Klev sakin kaya nilingon ko siya.
"Bakit tayo matatakot sa mga tauhan lamang ng kwento. Pwedeng pwede natin sila patayin. Tao ang nagbigay buhay sakanila at tao lang din ang makatatalo sakanila." sabi ko at tinalikuran na ito. Galit kong tinungo ang kinaroroonan ng kalaban at mas humigpit pa ang pagkakahawak ko sandata.
"Haaaaaa!!!" isang kumpas ng sandatang hawak ko at napatumba ko kaagad ang isang bandidong pasugod pa lang sakin.
"Ang sabi ko. Hindi ako papayag. Na may masaktan. Sa mga kaibigan ko!" galit kong sigaw at sa bawat bigkas ko ng mga salita ay siya ring pagkumpas ko ng aking sandata na diretsong tumatama sa mga leeg nila. Sa lakas no'n ay ang iba napugutan ko pa ng ulo.
Hingal na hingal na ako ngunit parang hindi ako makaramdam ng pagod. Napuno na ang puso't isip ko ng poot. Bakit kailangan naming maranasan ito? Bakit kami pa?
"Bakit kailangan pa naming marating ang impyernong ito?!" sigaw ko at sinaksak ang pinakahuling bandidong nakikita ko. Naramdaman kong may tumulong tubig sa mukha ko. Hindi iyon pawis kundi mga luha. Pinunasan ko iyon gamit ang kaliwang kamay ko at buong lakas na hinugot ang sandata mula sa pagkakasaksak dito. Hindi pa ako nakuntento at pinagtatadyakan pa ito. Alam kong nalagutan na ito ng hininga pero hindi pa rin ako nagpatigil.
"A-amarra.." rinig kong bigkas ni Sab mula sa likod ko. Alam kong umiiyak na rin siya.
"Amarra.. he's dead." boses ni Tim. Wala akong pinansin ni isa sakanila at patuloy na tinatadyakan ang bandidong patay na habang lumuluha ako.
Nakakapagod.. pero lamang ang galit ko.
"Amarra!" dinig kong sigaw nila nang paluhod akong bumagsak. Nabitawan ko ang sandatang hawak ko at naitukod ang dalawa kong kamay para hindi ako tuluyang bumagsak.
"Amarra! May mga tama ka." nag-aalalang boses ni Klev.
"B-bakit andito ka? N-nasaan si.. Andrei." pabulong kong tanong habang hinahabol ang hininga.
"Dinala na siya ng mga kawal sa palasyo." sagot nito. Nakaramdam na rin ako ng pagka hilo kaya mariin akong napapikit.
"Let me help you.." alok ni Klev na agad naman akong inalalayan patayo. Hindi na ako umangal pa dahil hindi ko na kayang gumalaw pa. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit sa bawat sulok ng katawan ko.
"Napakahusay!" Dinig kong sigaw ng isang boses. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang leader ng mga bandidong nakausap ko kanina.
"Napabilib mo ako at mas lalo ko pang ginustong makuha kayo. Napakalaking karangalan ang matatanggap ko sa hari kapag nakuha ko kayo." nakangisi nitong turan. Hindi ko na magawang sumagot dahil sa panghihina at sa pagka-hilong nararamdaman ko.
"Ngunit mas lalo mo akong ginalit sa iyong ginawa. Inubos niyo ang mga kasamahan ko!" bakas ang galit sa mukha niya. Ngunit bigla nanaman itong ngumiti. Ngiting nakakakilabot. "Humanda ka sa pagbabalik ko." huling sinabi niya bago mabilis na nilisan ang bayan. Nakaramdam muli ako ng kirot at napahawak sa kanang braso ko.
"Amarra!" nag-aalalang sabi ni Klev nang bigla akong napaluhod habang nakahawak siya sa bewang ko upang alalayan. Nanghihina ang tuhod ko. Parang wala na akong lakas tumayo.
"Amarra! You're bleeding too! Oh my god!" sigaw ni Sab at naramdaman ko ngang masyadong basa ang brasong hawak ko kaya alam kong napakaraming dugo na ang umaagos mula dito.
"Kaya mo pang maglakad?" tanong naman ni Klev sa'kin. Imbes na sumagot ay iling nalang ang nakaya kong gawin.
"Klev.." sambit ko sa pangalan niya nang muli akong mahilo.
"A-anong problema?" nag-aalala naman nitong tanong sakin. Narinig ko pang may iba pa itong tinanong sa'kin pero parang hindi ko na ito marinig. Unti-unti nang nanlabo ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.
*
*
"Oh my god! Hindi ko na alam ang gagawin ko, Timothy! Tatlo na sa mga kaibigan natin ang napahamak!" naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni Sab.
"Please calm down, Sab."
"How can I calm myself? Look! Sa tingin mo matutuwa pa ako habang nakatingin ako sa tatlong kaibigan natin na nakaratay diyan at walang malay?" wala akong narinig na sumagot kay Sab.
Ibig-sabihin ay wala pa ring malay sina Keia at Andrei?
Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang nasa isa kaming silid. Tumingin ako sa kanan ko at nakitang nakahiga sina Andrei at Keia sa magkakasunod na kama. Kahit nanghihina parin ako ay pinilit kong bumangon.
"A-amarra! Don't force yourself. Just rest." nagmamadaling lumapit sakin si Sab at pinipilit akong mahiga ulit. Hindi ko rin magawang itukod ang siko ko dahil kumikirot ang sugat ko sa braso.
"Gusto kong maupo."
"P-pero--"
"Please, Sabrina."
"A-amarra--"
"Ako na." biglang lumapit sakin si Klev at bahagya namang napaatras si Sab.
"I want to sit." sabi ko pa sakanya at inalalayan naman ako nitong maupo.
"How are they?" tanong ko nang sulyapan ko sina Andrei at Keia. "Hindi pa sila nagigising? Kamusta ang sugat ni Andrei? I want to see it." sabi ko pa sakanila. Akmang aalis na ako sa higaan ko nang pigilan nila ako.
"Hindi mo manlang ba muna kakamustahin ang sarili mo?" tanong ni Klev.
"I'm okay. Gising na nga ako eh. Sila ang inaalala ko." sagot ko sakanya.
"Nasaktan ka rin naman, Amarra." si Tim.
"Hindi sila sanay sa pakikipaglaban. Nagaalala ako."
"At ikaw? Sa tingin mo sanay ka? Nag-aalala rin naman kami sayo, Amarra. Sa inyo." si Klev na hindi ko maintindihan ang reaksyon kung galit ba siya o naiinis sa inasta ko. Anong magagawa ko eh nag-aalala ako sa mga kaibigan ko.
Napayuko ako.
"Pare-pareho tayong hindi sanay dito, Amarra. Kaya kailangan natin ang isa't isa." dagdag pa nito. "Dahil sabi ko nga, tayong anim lang ang tunay na magkakampi dito."
"Paumanhin.." anang isang pamilyar na boses. Napaangat ako ng tingin at nakita kong papalapit ang Sovran sa gawi namin.
"Sovran.." si Klev at nagbigay-galang pa dito.
Hindi ko siya magawang galangin.
"Ipagpaumanhin mo ang mga nasabi ko sa inyo." tumingin siya sakin. "Paumanhin. Nagkamali ako." kumunot naman ang noo ko nang sabihin niya iyon.
"Tama ka. Ako ang hari dito at hindi dapat ako matakot at sumuko."
"Buti nagising kana." pabalang kong sagot at sinuway naman ako ng mga kasama ko.
"Nakita ko ang katapangang ginawa mo kanina. Humahanga ako sa'yo." puri nito sa'kin dahilan para hindi ako makasagot.
"P-pero.. babalikan niya raw kami, Sovran." si Sab
"Alam ko. Kayo pa lang ang nakagawa ng ganoong bagay sakanila kaya alam kong gaganti sila."
"Oh, eh anong plano mo?" walang emosyon kong tanong.
"Kaya ako narito upang sabihing handa na akong tumulong sainyo. Makikipag tulungan na ako bilang hari ng bayang ito." bigla ay nagliwanag ang mga mata ko at tumingin sa hari. Ngumiti ito sa'kin.
"Magsabi ka lang kung anong maitutulong ko--namin, buong puso kong ipagkakaloob iyon sa inyo." dagdag pa nito.
"M-maraming salamat, Sovran." si Klev.
"S-salamat." tanging nasabi ko sakanya at tumango naman ito.
"Kailangan ko nang mauna. Iipunin ko pa ang mga nasasakupan ko upang ipalaam sakanila ang plano ko." sagot nito at lumabas na ng silid.
"I'm so lucky to have a friend like you, Amarra Leanne Rivera!" si Sab at naupo sa kama ko. Alam kong gusto niya akong yakapin pero dahil sa mga sugat ko ay hinawakan niya lang ang kamay ko at pinisil iyon.
"Kaya please, Kei.. Andrei.. wake up na guys. Amarra needs us. We need each other. I know that we can make it.. together." sabi ni Sab at tumingin sa'kin na nakangiti.
"I'm so proud of you, Amarra. Napahanga mo ako sa tapang na ipinakita mo." si Klev.
"Nagawa ko lang naman iyon dahil nasaktan ang mga kaibigan ko. Ayaw kong napapahamak sila at gagawin ko lahat para sakanila." sagot ko.
"Ang swerte ng mga kaibigan mo." nakangiti nitong sagot sa'kin.
"Swerte ka rin ba sakin?" Nakangiti ko ring sagot habang nakatingin sa mga mata niya. Nakita ko pa ang gulat sa reaksyon nito nang sabihin ko iyon.
"W-what?"
"Klev, hindi kana iba samin. Kung anong turing ko sa kanilang apat ay gano'n na rin ang turing ko sa'yo."
"OMG! Friendship kana rin namin!" natutuwang sabat ni Sab.
"T-thank you."
"I'm sure na matutuwa si Keia nito! Kei! You should wake up na! May gwapo tayong bagong friend!"
"Ehem!" biglang tumikhim si Tim.
"I'm just telling the truth, Timothy. Hindi naman niya aagawin si Kei sa'yo." depensa naman ni Sab.
"I know. Pero hindi rin naman siya magigising kung sabihin mong gwapo ang bago nating kaibigan."
"Wow! Sounds like you're jealous."
"Why would l?"
"Oh? Yeah. Why would you? Wala naman palang kayo. Whahahaha!" kantiyaw ni Sab kay Tim.
"What did you say?" seryosong tanong ni Tim sakanya kaya napahinto ito sa pagtawa. "What did you say, Sabrina Shein?"
"T-the truth?" nauutal naman nitong sagot.
"What truth?" tinaasan niya naman ito ng kilay.
"Whaaaa!! Keiiii! Kei! Kei! Wake up! Tim will going to kill me! Whaaa!! Help me!" patakbo itong pumunta sa kama ni Keia at nagtago roon.
"Sab ang ingay mo." suway ni Tim at sinundan siya. Nagkatinginan na lang kami ni Klev at parehong natawa.
"I never had a circle of friends like yours." mayamaya ay sabi nito.
"Why?"
"I mean.. may mga naging kaibigan din naman ako pero hindi ganyan kasaya."
"Hindi ba kayo madalas mag-bonding together?"
"Hindi eh. We're always busy doing school works."
"Studious naman pala." sagot ko at nangiti "Ganon din kaming lima. Actually we're classmates pero minsan lang mag bonding. But it doesn't mean na hindi na kami nagsasaya. Lagi kaming nag lalaan ng time para sa isa't isa." sagot ko.
"From what school are you? Napasok ko na ang buong school sa Laguna pero parang hindi ko kayo namumukhaan."
Natawa ako. "At sa dami ng school at students sa Laguna sa tingin mo makikilala mo lahat?"
"Yeah. I think so. Lagi akong sumasama sa daddy ko everytime na may seminar siya eh."
"What's the connection?"
"Base sa suot niyo nang mapasok kayo dito, if I'm not mistaken.. you're all taking architecture."
"Oh, yeah. Diyan kami magkasundong lima. Graduating na sana kami." nakaramdam naman ako ng lungkot.
"Me too. Edi sana Graduating na rin ako ng architecture ngayon gaya niyo." sagot nito na ikinalaki ng mata ko.
"Architecture din kinuha mo?"
"Yeah. That's why I'm wondering kung bakit hindi ko kayo na meet before when we were first year. I was with my dad everytime when he had a seminar."
"He's an architect?"
"Yeah."
"Wow! Pero hindi mo talaga kami makikita doon." sagot ko.
"Why?"
"Because we're not from Laguna. Taga Manila kami."
"Is that so? Kaya naman pala."
"Klev! Amarra! Oh my G!" humahangos na pumasok si Sab sa kwartong kinaroroonan namin. Hindi manlang namin napansing lumabas pala sila.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Klev.
"Nagpa-fiesta si Mayor!"
"What?"
"I mean nagpahanda si Sovran!"
"Nagpahanda? Bakit daw?"
"Para daw sa mga magigiting na taga-labas na siyang pag-asa ng bayan ng Gehenna! Hurry! I'm so hungry na. Baka lumalamon na si Tim do'n."
"Pagkain naman pala kaya ganiyan kalakas ang boses." sagot ko.
"Kahit naman sa anong bagay siguro malakas ang boses." Si Klev na napakamot pa sa batok.
"Sinabi mo pa. Masanay kana diyan."
"Hello? Mas maingay kaya si Kei sa'kin! Grabe kayo ha."
"Sab.. believe me, magka-level lang kayo ng kaingayan."
"Tss. Whatever! At least mas maganda ako."
"Kapag 'yan narinig ni Keia ewan ko lang. Hindi ko kayo aawatin."
"Amarra! Stop, okay?" inirapan niya ako. "Klev Ares Alejaga.." baling naman nito kay Klev. "So gwapo ng name mo. Like you–anyway, 'wag kang lumapit kay Amarra na 'yan kasi bully 'yan. And she's so manhid. Kaya sa'kin ka lang dumikit okay? Let's go!" maarteng sabi nito at kumapit sa braso ni Klev sabay hila palabas sa silid. Napailing nalang ako habang nakangiti na pinagmasdan silang maglakad.
Pero mas masaya sana ang ganitong situation kapag nakalabas na kami sa mundong ito.
Tinignan ko pa saglit sina Andrei at Keia na nakahiga bago lumabas para sundan sila.