Devonne “Oo nga sabi ko nga sa’yo ah! Ilang taon nga kitang naantay. Ngayon pa, boyfriend na kita?” ngumiti ako kasi nakatitig pa rin si Ibarra sa ‘kin. “Woi kain na, hindi ka pa tapos,” nginuso ko ang hindi pa niya nauubos na kanin. Dahan-dahan itong tumango ngitian ako. Natapos kaming kumain na tahimik. “Ingat ka sa pag-uwi. Message mo agad ako kapag nasa condo ka na,” bilin ko rito nasa tabi na kami ng kotse niya kasi inihatid ko pa siya sa baba ayaw umalis ng hindi ko siya ihatid. “Yes, ma'am!” sagot nito niyakap ako at magaan na hinalikan sa labi ko. Saglit na lumalim ang halik ni Ibarra ng tumugon ako subalit nang bumaba ang halik niya sa leeg ko inawat ko na dahil nasa labas kami ng kotse. Ngumiti ako halata gusto pa ng halik. “Sumakay ka na ‘wag mo na akong titigan ng ganiyan

