Devonne Biglang naging video call ang tawag ni Ibarra. Wala sana akong balak sagutin kasi nga sa sobra ang galit ko sa kaniya. Kaya lang paulit-ulit siyang tumatawag sa akin in-accept ko na lang kasi ayaw ko mag-off ng phone baka tumawag si daddy sa akin. "Ibarra?" nanlaki ang aking mata. Napatda ako sa aking nakita. My God ano ba ang ginawa ko bakit bigla akong nagalit kay Ibarra, ng hindi ko inaalam ang totoo. Sino iyong nakikita ko may kausap din e. Nasa condo nga niya si Ibarra nakahiga sa kama. Hinihilot nito ang sintido habang nakapikit. Pinaloob ko ang labi ko sa bibig ko dahil pahikbi ako. Stress na ba siya sa akin? Kasi parang pikon na nga siya kanina pa lang, habang kausap ko siya sa phone napigtas na ang pisi niya. Ngayon na video call kami walang emosyon ang mukha niya. K'

