Chapter 05

1826 Words
Devonne “Mali itong ginagawa mo sir Ibarra,” nakikiusap kong sabi. Pilit pa rin akong nagpupumiglas sa yakap ni Sir Ibarra, hindi naman ako nagtagumpay. Sobra ang galit nito ngayon, kaysa kahapon. Natatakot na ako sa kinikilos nito sa totoo lang. Hinawakan nito ang pareho kong kamay dahil balak ko siyang itulak at nagpupumiglas din ako. Ang halik niya ngayon ay mapang-angkin at walang ingat. Hindi ako binibigyan ng pagkakataon huminga ng maayos. Kung parusa nga ito ni Sir Ibarra. Mas masaya sana kung sa hindi ganitong sitwasyon. Ang labi ko ay nangangapal na sa galit na paraan niyang paghalik sa akin. Napaawang ang labi ko ng kagatin niya iyon kaya nagkaroon siya ng laya makapasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nabigyan ako ng pagkakataon magsalita dahil tumigil sandali si Sir Ibarra, ngunit hindi niya ako hinayaan na makawala sa kaniya. Nakagapos na sa baywang ko ang kanan nitong braso habang ang isa naman ay pinipigilan ang kamay ko sa pagpupumiglas. “Ano ba Sir Ibarra! Bitiwan mo sabi ako may klsae pa ako.” Nagbabaga ang mata nito ng titigan ako. Anong kinagagagalit nito? Wala naman akong kasalanan maliban sa nabasag na salamin sa kotse niya. Edi, babayaran ko dapat singilin niya ako ng maayos hindi ganitong paraan binabastos niya ako. “Sasabihin ko ito kay President at sa accounting Dean. Isusuplong kita kapag hindi mo ako palabasin ngayon din!” “Oh? Gagawin mo iyon?” may ngisi nakakatakot. “Dahil bastos ka!” “Ito naman ang gusto mo diba? Gusto mong angkinin kita. Pinagduduldulan mo nga ang sarili mo sa akin, bakit ngayon ayaw mo na. Halos ibigay mo na nga ng libre ang sarili mo para pansinin kita ngayon nag-iinarte ka—” “Anong sinabi mo?!” galit kong sabi sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang panginigan sa kaniyang mga pang-iinsulto sa akin kaya malakas ko siyang sinampal. Tinawanan lang ako kaya lalo akong galit na galit dito. Hindi pa nakuntento muling kinabig ang batok ko at siniil ulit ako ng marahas na halik. Pinaling-paling ko ang mukha ko kung kaya, wala na sa ayos ang paghalik niya sa akin. Mas malakas siya kaya talo ako. Lalaki siya talo ako dahil babae ako. Patuloy niyang inangkin ang labi ko ng may galit. Pakiramdam ko may sugat na iyon ayaw niya pa rin tigilan. Dahil sa awa ko sa aking sarili. May biglang bumara sa lalamunan ko. Tang-na…ang baba pala talaga ng tingin ni Sir Ibarra sa akin. Nagu-unahan ang pagtulo ng mainit kong mga luha. Natigilan at suminghap dahil sa aking iyak. Unti-unting binitawan ang labi ko. Nagkaroon ng tunog ang iyak ko nagig hikbi iyon at may kalakasan na rin, pagkatapos pinagsusuntok ko siya sa dibdib si Sir Ibarra, hindi ko na alintana ang aking hitsura sa harapan nito basta galit ako sa kaniya. “You're f*****g asshole! Gano'n ba kababa ang tingin mo sa akin ha, Sir Ibarra? Mababa ang tingin mo pero kung makaselos ka akala mo’y pag-aari mo ako. Gago ka Ibarra Montanez! Isa kang gago at makapal ang pagmumukha mong gurang ka. Kung bastusin mo ako akala mo kilala mo ang buo kong pagkatao. You jealous of Andrei, hindi mo lang maamin sa iyong sarili. Kahit hindi mo naman aminin kitang-kita sa mga mata mo pilit mo lang itinatago!” putol-putol ang salita ko habang sinasabi niyon sa kaniya. Pagalit kong pinunasan ang pisngi ko na basa na ng luha. “Kaya pala pagkatapos mong magpahalik at makipag make out sa akin, sasama ka na doon sa totoy na iyon!? Ganun ba ang matinong babae—” “You're jealous of Andrei, but you don't even like me. Because of that attitude of yours, you're an idiot, Sir Ibarra. For your information, you are not even half of Andre, because he knows how to respect women.” “Talaga?” halatang pinagtatawanan niya ang aking sinabi. Nginsihan ko siya ng may pagmamalaki I don't care if he gets turned off by me. I don't care anymore if he will still like me or not. I'm already hurt by his arrogance. This time I decided to give up. “Me, jealous of your boyfriend? I think you're dreaming, Ms. Tauson. Parang hindi ko alam na ako ang gusto mo—” “Ang galing mo rin ano? Dahil alam mong hinahabol-habol kita kaya may karapatan ka ng bastusin at insultuhin ang pagkatao ko? Ayaw na kitang makita kahit kailan!” Pagkasabi noon ubod lakas ko siyang itinulak at lumabas ng CR. Nang makalayo ako ng konti sa powder room. Inayos ko muna ang sarili ko. Mabuti dala ko ang Prada kong shade, kaya hindi halata ang mata ko na galing sa pag-iyak. Nagsuot na lang ako ng facemask dahil may sugat ang labi ko sa mapag parusang halik ni Sir Ibarra. Pagdating ko sa classroom namin, may five minutes pa bago mag-umpisa ang first subject namin. Hindi ako nag last na dumating may apat pa. Ngunit si Sofia nasa upuan na nakataas kilay pinasadahan ako ng tingin. Inirapan ko upang magmukhang okay ako. Sabay ngiti lumakad sa tabi nito sa upuan ko. “Hoy, anong nangyari r’yan sa mata mo bakit naka shade ka? May sore eyes ka ba? O may sakit ka rin? Naku sabi ko naman sa'yo magi-ingat dahil uso ang sakit ngayon,” sunod-sunod na sermon nito nginitian ko lang. “I miss you,” sa halip sagot ko at yumakap sa braso niya. “Ako rin na miss kita,” nakangiti sagot ni Sofia. Wala akong balak sabihin dito ang katatapos na engkwentro namin ni Sir Ibarra. Sure kasi ako magagalit ito sa akin lalo sa nangyari sa amin ni Ibarra dito mismo sa loob ng classroom. “Malapit na ang finals. Hindi ko sure kung makakasama ako sa province n'yo ha, Devonne? May sarili kasi bakasyon sa family namin,” “Ok lang naiintindihan ko. Family muna bago ang lahat,” Dumating ang Prof namin sa first subject. Nalibang ako nawala na rin ang hinanakit ko kay Sir Ibarra. Umabot ng hapon hindi pumasok si Sir Ibarra sa room namin. Kahit nagtataka ako sa hindi nito pagpasok pilit ko na lang iwinaksi sa isip ko alamin kung anong nangyari dito. Maganda nga hindi na ito magpakita sa akin kung puro naman sakit ang ibibigay ni Sir Ibarra. “Nandiyan na pala sundo natin pareho so paano kita na lang tayo bukas,” paalam namin pareho ni Sofie sa isa't isa. Pagdating ko sa condo dumating si Daddy. Natuwa ako kahit paano nabawasan ang lungkot ko may kasama ako sa condo. Kinabukasan hinatid din ako ni Daddy sa school. Hindi na ako maaga ngayon dahil umiiwas akong magkasalubong ang landas namin ni Sir Ibarra. Pilit kong pag-aaralan na kalimutan siya. Suko na ako. Kaya lang ang aking pangako sa aking sarili hindi nangyari dahil gumawa ng paraan si Sir Ibarra para kausapin ako. Sir Montanez: Devonne, maaari ka bang makausap? Faculty room at two PM. Sir Montanez: Please…I promise, hindi ako gagawa ng bagay na ikagagalit mo. Sir Montanez: Kahit ngayon mo lang ako kausapin hindi na kita guguluhin. Nakatulala lang ako sa screen ng phone ko. Nakasilip si Sofia kaya bigla kong itinago kaya humalukipkip humarap sa akin. “Bakit daw?” “Wala ah. Ewan ko kay Sir Ibarra.” Naningkit ang mata ni Sofia. “May hindi ka sinasabi sa akin,” Napayuko ako bumuntonghininga. “Pasensya ka na Sofie, ha? Nakahihiya mang aminin sige sasabihin ko na sa iyo. Basta ‘wag mo akong huhusgahan after nito ha?” “Bakit kita huhusgahan? Ano ang karapatan ko, para gawin iyon sa 'yo.. Sige na sabihin mo na habang may time pa, mamaya lang babalik na tayo sa classroom.” Nakurot ko ang palad ko habang unti-unti kong k-kwento kay Sofia ang nangyari sa amin ni Sir Ibarra, sa loob ng classroom namin nasundan sa comfort room. “Hindi ko siya maunawaan Sofie. Sa kilos niya halatang nagseselos siya kay Andrei, kung nakita mo lang ang titig ni Sir Ibarra, kay Andrei. Kulang na lang magliyab dahil sa galit niyang mata.” “Medyo nga bastos si Sir Ibarra sa mga sinabi sa iyo. Pero sa taong nagseselos minsan hindi na alam kung anong tama at mali,” saad ni Sofia hinawakan ang magkabila kong palad. “Kausapin mo na lang sasamahan kita, sa labas lang ako babantayan kita. Subukan lang ni Sir, gumawa ng masama sa ‘yo. Kahit babae ako, lalaban 'to.” “Aww ang tapang naman ng bff ko.” “Naman! Kaya ‘wag lang talaga lokohin ka ni Sir Ibarra. Makikita niya kung paano ako magalit,” Alangan pa akong magtungo sa faculty room, pinagtatawanan ako ni Sofia. Nag-thumb ups si Sofia, nasa tabi niya ako kung kailangan. Humugot ako ng hangin sa dibdib ko. Kumatok ako sa pinto ng faculty room. May kasama kaya si Sir Ibarra? Pero kung mayroon hindi niya ako pupuntahin dito. Muli sana ako kakatok ng mabitin sa ere ang kamao ko dahil binuksan ni Sir Ibarra ang pinto at bumungad ang isang bouquet ng white tulips na galing sa sikat na flower shop. Pinapasok niya ako sa loob ngunit nanatili ako sa pinto. “Para saan ito Sir?” I asked him, even though I know white tulips symbolize asking for forgiveness. “I'm sorry,” matipid na saad ni Sir Ibarra nanatili sa mukha ko ang titig. Hindi ko iyon matagalan dahil naiilang ako sa paraan ng paninitig niya. Wala na ang galit at umiigting na panga nito. Tipid na niya akong nginitian. Nag-iwas ako ng tingin. “Okay na po Sir Ibarra. Kahit hindi mo na sana ako pinapunta rito total nag-text ka na rin lang sana inisa mo na lang,” Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Ibarra tipid ko siyang nginitian. “Ayaw ko lang po Sir Ibarra umasa, dahil alam ko kung hanggang saan lang ako sa paningin mo,” dugtong ko. “Yeah,” tipid niyang sagot. Humugot ako ng hangin. Nagpasya ng magpaalam. “Salamat dito, Sir Ibarra,” tinutukoy ko ang napakaganda bouquet. Buntong-hininga tumango. “Sorry for making you cry. I'm sorry for hurting you, ngunit hindi ako hihingi ng sorry dahil inangkin ko ang labi mo. May girlfriend na ako Devonne, kaya iniiwasan kita. f**k, ako, nahihirapan din akong iwasan ka. Ngunit kailangan dahil iyon ang tama. Saglit na tumigil, friends? Maaari ba kitang maging kaibigan?" Pisti oi. Kay lakas talaga ng loob nito binasted ulit ako. Guwapong-guwapo talaga sa sarili nito. Pilit kong pinasaya ang boses ko kahit sa loob ko umiiyak ito. Akala ko naka move on na ako sa kaniya. Pero hindi pa rin pala. Sana hindi na lang ako nagpakita. Kapag kasi nagkakaharap kami hindi maiwasan na umiyak ako. Lagi na lang akong nag-a-antay kailan nito mamahalin. "Sorry," bulong nito malungkot dahil akala ayaw ko tanggapin ang gusto n'yang pakipagkaibigan. "Okay, friends," sagot ko masayang ngumiti sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD