Chapter 06

1070 Words
Devonne Pagkatapos manghingi ni Sir Ibarra ng sorry sa akin, tinanggap ko na lang ang offer nito. Hanggang kaibigan lang daw kami. Pero at least bihira na lamang ako nito sungitan. Kapag minsan pa nga binibiro ko na gusto ko pa rin siya tatawanan lang ako ni Sir Ibarra. “Devonne! Hindi ka ba papasok? Tanghali na ah!” malakas at sunod-sunod na katok ni Ate Dhivika, sa labas ng pinto ang naulinigan ko. Kaya naman pupungas-pungas akong bumangon at pumaling din muna ako ng tingin sa kanan ko, upang silipin ang clock na nakasabit sa pader kung anong oras na. Nang makita ko na ala-sais na ng umaga mabilis akong bumaba sa aking kama upang maligo. Shitty bya-byahe pa ako kailangan kong bilisan ang aking kilos upang hindi mahuli sa first subject ko. Hindi ko na rin pinagkakaabalahan ayusin ang aking kama. Mamaya na lang pag-uwi ko. Bawal kasi ma late kapag ganitong exam. Isa rin dahil final namin ngayon kailangan mag-doble ako ng kilos kung ayaw kong ma late. “Devonne!” tawag ulit ni Ate aa labas sa pag-aakala hindi ko siya narinig. “Bahala ka kung ayaw mong kumuha ng finals. Ikaw naman ang babagsak,” sabi pa nito masungit na ang tinig at may inis na ang boses ng sabihin niya iyon sa akin. Napangiti ako. Nakikinita ko kung kaharap ko si Ate Dhivika. Tiyak ko, nakasimangot ang kapatid ko ngayon. Mataray kasi si Ate Dhivika at sakit sa ulo ni Daddy, dahil wala itong interest sa pag-aaral. Dalawa lang kami magkapatid sa ina. Ngunit mayroon kaming kapatid sa labas na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita. Pero paminsan-minsan naman ay sinasapian din si ate, ng bait. Katulad na lang ngayon, ginising ako kasi pagdating niya kagabi naabutan ako sa aming sala seryoso nag-re-review. Tinanong ako kung may exam. Sabi ko finals namin. Simple tango lang tugon ni Ate iniwan na akong mag-review para daw walang istorbo. “Oo ate, bumangon na ako at salamat,” malakas kong sigaw hindi ko nga lang alam kung narinig ni ate ko at kung anong sagot niya sa akin. Dahil pumasok na ako ng CR upang maligo. Halos pinagkasya ko nga ang fifteen minutes na pagligo pagkatapos sa pagbihis ay five minutes lang. Sa kotse na lamang ako magsusuklay. Mabuti nga dumating si Ate kagabi nagtataka nga ako kasi bigla na lamang sumulpot dito sa aming condo kasi nasa Iloilo si Ate sa aming hometown. Sabi pupunta raw siya sa dental clinic ng aking tanungin kagabi bakit biglaan siyang napasugod ng Maynila. Ako naman kibit balikat na lang kasi nga ang akala ko sa pasukan na ito babalik mabuti na rin talaga na save ako nito sa exam namin ngayon. Mabuti hindi pa gaanong traffic kaya ten minutes pa bago ang first subject. Wala kaming usapan ni Dhana Sofia, aantayin namin ang isa't isa kaya binagtas ko na agad patungo sa classroom namin. Napuyat ako kagabi mag-review at hindi mawawala ang slight na pangs-stalk kay Sir Ibarra ang nag-iisang lalaki mahal ko. Kahit ilang beses na ako nito binasted. Nanatili pa rin talaga ang pagmamahal kay Sir Ibarra. Miss ko na si Sir Ibarra, hindi na kasi nagturo. Nagtataka nga ako ngunit sabi ng iilan professor namin. Busy sa business nito. Basta raw soon babalik din ito. Kasi mayroon naglakas loob nagtanong, bakit hindi na, nagturo si Sir Ibarra sa Sacred Heart University. Nahaplos ko ang aking dibdib nang maalala ko kagabi ang latest photo niya sa face book may kasamang magandang babae. Nagseselos ako ngunit hanggang sa isip ko na lang dahil isa lang akong estudyante sa paningin ni Sir Ibarra. Friends lang ang kaya niyang i-offer sa akin. Sa tag post kagabi nakita ko. Isang birthday party. Ang g'wapo ni Sir Ibarra sa suot na black tuxedo. Businessman siguro ang may kaarawan kasi bongga ang venue. Bukod kasi sa professor si Sir Ibarra. Isa rin businessman ang professor namin. Libangan lang nito ang pagtuturo kaya nga Monday and Friday lang siya may subject sa amin. Kasi may business talaga hawak ang professor namin. Diba? Alam na alam ko dahil noon ay crush ko ito ng una niyang pasok sa aming classroom. Crush nauwi sa mahal ko na siya kahit madalas ay masungit si Sir Ibarra sa akin. Pagpasok ko sa classroom wala pa kaming professor. Sakto rin wala pa si Sofia. Naka sitting a part ang bawat silya. Pinalubo ko ang aking pisngi. Hindi ko kasi lahat na review ang ibinigay na reviewer ng bestfriend kong si Sofia. Ginawan ako ng reviewer. Nag-effort pa naman mag-print upang mayroon siyang maibigay sa akin ngunit pahapyaw ko lang binasa ang iba. Dumating si Sofia wala pa ang aming professor. Nagchismisan pa kami ganoon din naman ang iba kaya maingay. “Kabado ako Sofie,” sabi ko pa sa kaniya. “Sa exam?” Tumango ako. “Kung na review mo lahat ang ibinigay ko one hundred percent papasa ka. Kasi na summarize ko naman buong lesson natin,” “Binasa ko naman,” mahina kong sabi. “Iyon naman pala so anong inaalala mo kung nagsunog kilay ka naman pala?” “Ang iba ay pahapyaw ko lang binasa,” pag-amin ko pa. “Maaga naman ang labas natin kahapon ah! Diba, pinalabas na tayo agad ng last subject. Upang makapag review ng maayos," taas kilay ng bestfriend ko. Bahagya akong napanguso. Alam agad nito ang dahilan sinamaan niya ako ng tingin. “Pupusta ako, mas mahaba pa ang oras mo sa pangs-stalk kay Sir Ibarra, tama ako ano?" “Oo pero na badtrip ako.” “Bakit? Wait…ibig bang sabihin ay nagkaka-chat kayo ni, Sir Ibarra?” tanong pa nito namamangha. “Sana kung totoo ang hula mo Sofie. Kaya lang malabo pa sa tubig kanal. Nabuwesit ako sa aking nakita. Alam mo iyon? Oo, wala naman talaga akong karapatan, dahil nga hindi naman niya ako pinapansin. Kaya lang hindi ko talaga mapigilan magselos. Kasi kung maka lingkis ang babaeng kasama sa party. gustong-gusto naman ni Sir Ibarra." Tinawanan ako ng malakas ni Sofia. “Eh, girlfriend niya siguro girl, so may karapatan naman itong babae kung sakaling yakapin nila ang isa't isa. Bakit kasi hindi ka na lang diyan mag-move-on kay Sir Ibarra. Binigyan mo lang ng stress ang sarili mo,” wika pa ni Sofia sa akin. "Ginawa ko naman ngunit wala naman nangyari," "Kay Andrei, ka na lang kasi at least hindi ka sasaktan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD