Chapter 07

1519 Words
Devonne Lahat kami’y natulala nang pumasok ang seryosong si Sir Ibarra sa loob ng aming classroom. Siya ba ang magbabantay sa ‘min? Nasaan kaya ang aming adviser bakit bigla-bigla na lamang sumulpot si Sir Ibarra. Hindi ko siya nilubayan ng tingin hanggang sa makarating si Sir Ibarra sa table ng classroom. “Girl baka naman matunaw na,” tukso ni Sofia na pagngisi ngisi. Ako pa naman ang taong hindi marunong magtago ng totoo kong saloobin. “I miss him so much,” pag-amin ko sa kaniya. “Pero alalahanin mo wala kayo,” paalala ni Sofia. Tumango ako dahil alam ko naman iyon na miss ko lang si Sir Ibarra. Iyon lang maaari naman ‘yon diba? Pinalobo ko ang magkabila kong pisngi ayaw kasi tumingin ni Sir Ibarra dito sa upuan ko at sobrang seryoso. Pero bakit kaya hindi nagturo ang adviser namin? Gayunpaman hindi ko ikakaila masaya ako. Nagustuhan ko ang idea-ang si Sir Ibarra ang bantay. Ibig sabihin lang noon matagal ko siyang makakasama. Umaga hanggang alas-dos ng hapon ang iskedyul ng aming exam. Busog na busog ang aking mata sa pagsilay sa kaniya. May inspiration pa ako kung iyon nga ang tawag doon. Ano kaya ang ginawa nito bakit hindi pumapasok nitong mga nakaraang araw. Alam kong busy ito sa hawak nitong business. Ngunit first love nito ang magturo kaya ako'y nagtataka natiis nitong hindi magturo sa ‘min. Nakatulala akong nakatitig lang kay Sir Ibarra nang umpisa nyang i-discuss ang instruction bago ipamigay ang test paper sa amin. Hindi ko nga masyadong maintindihan ang mga sinabi niya maliban sa may sakit daw ang adviser namin. Mayroon trangkaso kaya naman pansamantala siya ang kahalili ngayon. “Class, lahat ng gamit n'yo pakilagay rito sa table ko. Make sure walang maiiwan sa inyong chair, maliban sa sinabi kong one piece of yellow pad paper and ballpen. Iyon lang ang gusto kong makita sa inyong armchair. This is your final exam, and I'm sure each of you has reviewed it. Alam kong papasa kayong lahat madali lang ang exam,” seryosong sabi ni Sir Ibarra sa amin. Ako lang yata ang hindi sumagot tanging tango ang tugon ko sa kaniya. Samantala ang iba sumigaw pa ‘yes sir’ kaya naging maingay. I'm not sure kung masagutan ko lahat hindi ko kasi natapos ang review kagabi. Napuyat pa ako mag-stalk sa kaniya nasaktan tuloy ako kahit wala naman kaalam-alam si Sir Ibarra nasaktan niya ako. Dahil nasa pangalawang unahan naman ako. Mabilis kong nadala ang small bag ko sa table niya. Nakaupo si Sir Ibarra ngayon sa chair niya. Inaantay yata matapos lahat. Kasi nakahanda na ang test paper nakapatong sa mesa sa harapan niya. Nang makablik lahat ng classmate ko sa kaniya-kaniyang chair. Tumayo rin si Sir Ibarra. Hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya at ramdam niya siguro iyon kaya pumaling siya ng tingin sa akin agad kinindatan ko. Dumilim ang mukha nito kapagkuwan bumuntonghininga naglakad na upang ipamahagi ang aming test paper questionnaire. Nakapalumbaba na ako habang sinusundan ko ng tingin ang ginagawa ni Sir Ibarra. Kailangan talaga siya ang magbigay e, pwede naman tawagin niya palapit sa kaniya upang kunin ang test paper. O pwede rin naman iabot niya kada nakaupo sa unahan then ipasa sa likuran. “Kaya ako ang nag-distribute sa inyo to make sure na rin, nasunod n'yo ang utos ko na walang naiwan na gamit sa upuan niyo.” Pambihira! Nabasa pa niya ang iniisip ko nakatalikod naman ako sa kaniya. Ano iyon may tainga at mata siya sa likuran niya nabasa niya ako. Inuna niya sa dulo kami ni Sofie pangalawa sa unahan kaya hindi pa nakararating si Sir Ibarra sa harapan naman. Kinuhit ako ni Sofia sa braso ko inirapan ko. “Bakit?” “May inspiration ka pala nandyan palalab mo. Dapat perfect score ‘yan ha, Ms. Tauson,” sabi pa niya tataas taas kilay halatang nang-aasar. Nagkibit balikat lang ako. Mas gusto ko nga lang pagmasdan si Sir Ibarra. Nakakamiss maging makulit sa binata kasi ilang araw ko rin hindi nagawang kulitin siya. Isa sa masayang nangyari noong nag-away kami ni Sir Ibarra, ay noong humingi siya ng sorry sa akin dahil hindi na siya masungit sa akin. Never din napikon si Sir Ibarra sa panunukso ko sa tahasang pagsasabi ko sa kaniya gusto ko pa rin siya kahit ayaw niya sa akin. Kapag minsan pa nga sabi ko mag-aantay pa rin ako sa kanya kapag handa na siyang ligawan ako. Sa halip tatawa lang pailing-iling and no comment. Masaya na ako roon at least hindi na niya ako inaway at sinungitan. “Ehem!” Nakatulala na pala ako saan-saan nakararating ang isip ko. Nasa harapan ko na pala si Sir Ibarra sa harapan ko kaya tawanan mga classmate ko dahil salubong na kilay ng professor namin sa pagkatulala ko. “Nasa klase pa naman siguro ang isip mo Ms. Tauson? Para kasing kanina pa hindi ka mapakali sa kinaupuan mo.” Nginsihan ko siya kaya nag-iwas ng tingin si Sir Ibarra. Kinuha ko ang inaabot niyang test paper sa akin pinasadahan ko iyon ng tingin. “Ang totoo niyan ikaw talaga ang iniisip ko Sir Ibarra,” mahinang sabi ko sabay kindat sa kaniya. Nagtataka ako dahil galit at naningkit ang mata ni Sir Ibarra. Bakit nag-iba? Palagi ko na siya nabibiro bakit ngayon ayaw na niya? What happened in few days na wala siya? Hindi lang namin siya na pagkikita ito na change mood si Sir Ibarra. “Sir, may nangyari po ba? Para ka po manlalapa ng tao kung makasama ng tingin sa akin. Pero gusto ko iyan. Lapain mo ako,” Sinuway ako ni Sofia. “Devonne! Magsagot ka na nga.” Utos nito. “Yes! Madam Sofia,” tugon ko kaya pinandilatan ako ng mata. Hindi na ako pinansin. Bumalik ulit ang atensyon nito sa test paper na niya nakatingin. Nag-umpisa rin akong magsagot ngunit nahahati naman ang isip ko para kay Sir Ibarra. Para bang hindi na ako pwede magbiro sa kaniya ngayon. C’mon Devonne. H'wag mong kulitin kung ayaw ni Sir Ibarra. Baka may pinagdadaanan ngayon ang palalab mo, mauwi na naman sa away ang pag papansin mo rito. Sagot ko rin sa aking sarili. Dumaan ang katahimikan. Seryoso ang lahat maliban sa akin na binabagalan ko masagot. Ang iba nakalimutan ko rin ang sagot. Ito talaga mapala ko hindi ko seneryoso ang reviewer na bigay ni Sofia. Lumipas ang tatlong oras. Tinamad akong magbasa ang haba ng mga tanong kaya naman iba hula ko lang sinagutan ngunit marami pa rin talaga blank. Sumilip ako sa seryosong si Sir Ibarra. Nakita ko sumilip sa braso may suot ng relo. Sumunod ang pagtunog ng chair tumayo si Sir Ibarra. Umikot sa table niya patungo sa unahan at umupo sa ibabaw ng table niya. Nunit nakatayo pa ang paa niya sa sahig. Kalahati lang ng puwetan niya ang nakalapat sa table niya. “By the way. Kung tapos na p'wede ng lumabas,” sabi nito. Ilang sandali pa mayroon na iilan nagsasauli ng test paper kay Sir Ibarra pagkatapos lalabas ng classroom namin. Naibulong ko tuloy na kay bilis naman nila magsisagot ng mga classmate ko hindi pa nga ako nangalahati. Ito talaga ang ayaw ko kapag maraming binabasa kaya ibang question sa tingin ko ay alam ko hinulaan ko na lang hindi ko tinapos basahin. Siniko ako ni Sofia. Nilingon ko hindi naman nakatingin si Sir Ibarra hindi kami masisita. “Anong kailangan mo?’ “Hindi ka pa tapos?” “Hindi pa pero sige mauna ka na girl,” bulong ko sa kaniya kasi nakalahati ko pa lang sagutan ang test paper ko. “Aantayin na lang kita sa labas,” bilin pa ni Sofia bago tuluyang lumabas. Lumipas ang twenty minutes. Ako na lang ang naiwan sa loob ng classroom. Kanina ko pa naulinigan ang panay hugot ng hangin ni Sir Ibarra. Nanatili akong nakayuko nagsagot pa rin. Lumipas pa ang thirty minutes. Gusto ko ng ipasa, pakiramdam ko kasi naiinip na si Sir Ibarra magtambay sa classroom na kaming dalawa na lang ang naiwan. Ngayon ko pinagsisisihan hindi ako nagseryoso mag-review. Sana natapos ko ng maaga. Halos may bente pa akong hindi nasagutan. Ginawa ko na lang sampu hinulaan malay naman tumama ang hula ko. Naisip ko ng tumayo naunahan ako ni Sir Ibarra. Na double check ko na iyong iba na alam ko ang sagot. Sana hindi silipin ni Sir Ibarra kun'di lagot ako rito. "Kanina pa tayo solo rito at ikaw na lang mag-isa ang naiwan Ms. Tuason, baka lang hindi mo alam." Matamis akong ngumiti. Pagkatapos naglakad palapit sa kaniya. "Sir naman gusto pa kitang makasama ang suplado mo po," Nagsalubong ang kilay nito sa aking sinabi sa kaniya. "Kaya matagal kang nagsagot ganoon?" tanong nito may kasamang inis sa tinig niya. "Masama ba, Sir Ibarra?" "Give me your paper," sabi nito ng walang kangiti-ngiti sa labi niya. Ibigay masunurin ako eh. Bahagya akong napanguso ng pasadahan niya ng tingin ang aking test paper. Nakita na siguro ang hindi ko nasagutan natigilan ito pagkatapos naningkit ang mata tumingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD