Devonne
"Sabi mo ibigay kaya binigay ko. Wala na akong maisip iyan lang kinaya kong sagutan," inunahan ko na ng paliwanag dahil dumilim ang mukha nito pagkatapos niya pasadahan ng tingin ang test paper ko.
“Ang tagal mong nag sagot tapos may iniwan ka pang blank? Nag-aaral ka ba ha, Ms. Tauson?! Hindi ka na bata para maging immature!” tumigil sandali hinilot ang sentido at nang matapos muli akong tinitigan madilim ang mukha.
Uminit ang mukha ko dahil tinablan ako ng hiya. Kasalanan ko naman talaga exam nga naman ngayon pero hindi ko lang seneryoso.
“Pwede ba Ms. Tauson! Tigilan mong magpapansin sa 'kin. Gano'n ba, kababa ang iyong sarili kahit oras ng exam nakukuha mo pang magpa-charming sa ‘kin? Stop acting like a spoiled brat dahil hindi iyan uubra sa akin. Wala ka ng aasahan, Ms. Tauson. Ikakasal na ako at sa babaeng mahal ko,”
Natigilan ako uminit ang mata ko hindi ko lang pinahalata sa kaniya gusto kong umiyak.
“I-ikakasal ka na? Bakit mabilis at wala kaming nababalitaan?” tanong ko pa amino may karapatan akong usasain si Sir Ibarra.
“Obligasyon ko bang ipamalita sa inyo ang personal kong Buhay? Please lang. Tigilan mo na magpakita ng motibo sa akin. Nagmumukha kang cheap sa paningin ko!” may diin pa ang boses ng sinabi niya iyon. Pagkatapos niligpit na ang mga gamit at naiwan akong mainit ang mata dahil unti-unting namalisbis ang luha ko.
Nakatingin ako sa nilabasan na pinto ni Sir Ibarra na malabo ang mata dahil puno iyon ng luha. Nanatili pa ako roon hinayaan ko muna ang aking sarili na umiyak at ng lumuwag na ang aking pakiramdam.
Tulala akong lumabas sa pinto ng classroom. Sinalubong ako ni Sofia kasama ang boyfriend nitong si Ross Oceanus. Mahigpit kong niyakap si Sofia at sa paputol-putol na salita nagsumbong ako sa kaniya.
Umuwi ako ng condo ng malungkot. Final na rin naman hindi ko na siya makikita. Last ko ng iyak ng dahil kay Sir Ibarra hindi na iyon mauulit.
Kinabukasan tumawag ang Daddy ko. Nakita na raw ang kapatid namin na matagal na niyang hinahanap. Sakto pauwi na rin ako. Binilin ko rin kay Sofia, bago na lang magpasukan ako magpa-pa-clearance.
Excited ang boses ni daddy, halatang masaya siya habang sa phone sinabi nasa Maynila raw ang kapatid namin.
Isang malaking dagok ang nangyari sa pamilya namin dahil na ambush si Daddy, noong dapat ay patungo na siya sa Maynila, upang kitain ang private imbestigador dahil sasabihin na sa kaniya kung saan matatagpuan ang matagal na naming hinahanap na kapati ko.
Sa ospital hindi ako makapaniwala ng sabihin ni Daddy. Si Sofia ang bunso naming kapatid. Halos maiyak ako sa labis na saya. Best friend at kapatid ko ay iisa.
Excited akong bumalik ng Maynila para magkita kami ni Sofia. Si Ate Dhivika naman naunang bumalik sa Maynila kasi aayusin ang transferee niya sa Sacred Heart University.
Hindi na muna kami nagpakilala kay Sofia na anak siya ni daddy. Hindi pa kasi nalutas ang pang-ambush kay faddy. Waiting pa kami sa result, ngunit excited akong makita at soon masabi kay Sofia na kapatid ko siya.
Saktong pasukan nang lumabas sa imbestigasyon kalaban sa politics ang likod ng panga-ambush ni Daddy. Congressman kasi si dad sa Iloilo. Sinampahan ni daddy ng kaso at dahil matibay ang evidence na nakalap. Himas agad sa kulungan ang nang-amubush sa kaniya.
Pasukan ulit. Excited ako dahil makikita ko ulit si Sofia. Si Ate Dhivika. Dito na rin nag-aaral. So far mabait ngayon ang Ate Dhivika. Walang kinasangkutan na gulo. Sana ay tuloy-tuloy na.
Kaya lang kung kailan naman ayos na ang lahat. Makakasama na namin si Sofia. Dahil alam na nito na kapatid namin siya. Pero bumalik sa pagiging maldita si Ate Dhivika.
Sa birthday nito na set-up niya si Sofia. Ako hindi ako naniniwalang magagawa iyon ni Sofia, sa Ate. Lalo na pagtaksilan ang mahal nitong si Oceanus. Kilala ko si Ate Dhivika. Kilala ko rin si Sofia. Mahal nito ang boyfriend.
Naawa ako sa bunso kong kapatid. Gusto kong puntahan sa kanila kaya lang nilagnat naman ako ng biglaan. Baka isipin nito galit ako sa kaniya.
Nagpasya akong tawagan. Alam ko umiiyak ito sa kabilang linya nang kausap ko dahil naririnig ko iyon kahit na itago niya.
“Hindi ako galit sa 'yo bunso at hindi ako naniniwala magagawa mo iyon,” sabi ko pa sa phone na kinahikbi nito. Kung p'wede ko lang siya puntahan agad at yakapin ng mahigpit ngunit nanghihina pa ako dahil kagagaling lang magkasakit.
Nasa ospital pa rin kasi si daddy. Bantay ni Ate Dhivika. Alam ko hindi okay si Sofia at Ross dahil sa nangyari sa birthday ni ate. Bulag at galit ito sa kapatid ko. Kapag kasi nabubulag tayo ng panibugho. Nagiging bingi rin tayo sa paliwanag. Nagiging sarado din ang ating isip. Valid ang reason ni Oceanus, ngunit sobra naman. Wala lang akong magawa para tulungan ang bunso kong kapatid kasi kahit ako may problema din sa pag-ibig.
Akala ko iyon na ang problema na darating sa amin. Ngunit mayroon pa pala mas malala pa. Halos nalugmok kami sa lungkot.
Si Ate Dhivika, mayroon bone Cancer. Siya ang naka inherit sa Mama namin at iyon din ang dahilan ng pagbawi sa amin. Sobrang lungkot tapos malalaman pa namin si Ate Dhivika ay buntis.
Gusto kong magalit kay Ate. Alam kong si Samuel na boyfriend nito ang ama ng anak niya ngunit si Ross ang itinuturo. Hindi ko lang magawang magpakita ng galit dahil ilang buwan na lang ang ilalagi niya sa mundo. Kahit sino. 'Yun din ang gagawin. Makita mo lang iyong saya sa kanyang mata sa nalalabi n'yang buhay.
Kahit ang kapatid kong si Sofia, maluwag na tinanggap nang sabihin ni Ate Dhivika na si Ross ang ama ng baby ni Ate.
Wala akong marinig na pagtutol sa bunso kong kapatid. Humanga ako rito. Siya ang bunso, ngunit nauunawaan niya ang Ate Dhivika. Kahit kita ko sa kaniyang mata nasasaktan na siya dahil alam kong mahal na mahal nito si Ross Oceanus.
Sabi ko nga si Samuel ang ama ng baby ni Ate Dhivika. Ngunit hindi nakaligtas kasama ni Ate. Labis kaming nagluksa dahil ang bata pa niya para kunin sa amin. Kaya lang ganun naman ang buhay. Mayroong mauuna, mayroong maiiwan. Pasalamat na lang kahit paano nakasama pa namin ang ate sa hospital. Naging buo kami kahit na may sakit siya.
Sabi nga nila mas maganda pa nga ang nauuna, kaysa maiwan. Dahil dala-dala ng naiwan ang lungkot at pighati sa mahal na nawala.
Hindi naayos ang problema ni Sofia at Ross Oceanus. Nagtungo sa ibang bansa ang kapatid ko, nang magbunga ang pagmamahalan nila ni Ross. Suportado namin siya ni daddy. Ako, naiwan pa rin sa Sacred Heart University, ipinagpatuloy ang pag-aaral kahit na malungkot dahil dalawa kong kapatid, iniwan ako. Si Ate Dhivika sa heaven. Si bunsoy Sofia naman sa Dubai, upang maghilom ang puso nitong nasaktan.
Kasama sa paglipas ng taon. Nagawa kong iwasan at kalimutan si Sir Ibarra.
Lumipas ang mga taon kay bilis lang parang lang tumalon at ngayon, ito na graduation na namin. Kahit paano umakyat akong c*m laude. Malungkot lang sa part ko dahil wala si Sofia, ng graduation ko. Si daddy ko lang ang kasama ko.
Nagpaalam ako kay Daddy, pupunta muna sa kaibigan ko. Malayo kasi ang upuan ko sa kaniya. Nasa unahan siya dahil alphabetical order ang sitting arrangement namin. Aayain ko mag-picture taking pang post din sa face book ko. Every year memory din na babalikan.
“Devonne, saan ka mag-wo-work?” tanong ng classmate kong si Lanie. Mabait din to kaibigan ko rin.
“Tutulong na lang kay daddy, pamahalaan ang sarili naming business.”
“Oo nga pala iyan ang nabanggit mo sa akin,” sabi nito. Niyakap ko siya dahil babalik na ako baka naiinip ng mag-antay si daddy sabi ko sandali lang ako.
“Paano, ako'y babalik na sa Daddy ko ha, Lanie? Chat, chat na lang tayo,” paalam ko sa kaniya.
I sighed heavily. Nilibot ko ang aking mata sa buong venue. Nasa Pasay CCP hall kami. Dito ginanap ang graduation.
Malapit na ako kay daddy, napangiti ako may kausap ito sa phone. Sino kaya? Ang hula ko si Vienne at bunsoy Sofia. Baka tumawag kinumusta ang graduation ko.
Dahil kay daddy lang ang atensyon ko Hindi ko napansin malapit lang si Sir Ibarra sa akin. Nasa tagiliran ko lang more or less sampung hakbang. Umiwas ako nilampasan ko siya ngunit tinawag niya ako.
“Devonne, sandali,” anang niya kinatigil ko. Lumakad papalapit sa akin hinayaan ko.
First time niya kasi ako tinawag sa pangalan palaging surname ang tawag nito sa akin.
Hindi na kasi ako iyong dating Devonne na patay na patay sa kaniya. Though I admit, mahal ko pa rin siya, wala naman nagbago roon, ngunit binitiwan ko na ang pag-asa na magugustuhan niya ako.
At saka never na akong nakibalita about sa kaniya. Lalo na lumipat siya ng ibang handle na course. Sa engineering department na siya mas naging pabor nga sa akin, hindi siya naging distraction sa pag-aaral ko.
“Kumusta ka na?” He said. Kahit medyo madilim ang paligid. Kita ko sa kanya mata ang lungkot nito. Ngunit bakit? Akala ko masaya na siya ngayon dahil wala na pisti sa buhay niya.
“Okay lang Sir Ibarra. Sige po hinahanap na ako ng daddy ko.”
Mahabang buntong hininga ang pinakawalan nito. Pinagmamasdan niya lang ako. Bakit kaya hindi pa sila ikinasal ng sinabi niya noon na fiancee? Matagal na rin sila, ah.
“Ah, Sir Ibarra. Kung wala ka naman po sasabihin. Puntahan ko si daddy, ha?"
“Pwede mo ba ako antayin? May aayusin lang ako, Devonne, liligawan na kita.”
Nanlaki ang mata ko. Kay sarap sanang pakinggan ang sinabi ni Sir Ibarra, ngunit bakit ngayon pa. Bakit pinatagal pa niya.
Kung noon siguro niya ako sinabihan nito. Baka nag-tumbling na ako sa labis na galak. Ngayon sanay na ako hindi na ako nakaramdam ng excited.
“Anong dahilan bakit gusto mong antayin at ligawan ako? Paano kung sabihin ko sa ‘yo hindi na ako ang dating Devonne na hahabol habol sa iyo, Sir Ibarra. Nagbago na rin ang damdamin ko sa iyo. Hindi na kita mahal,”
Suminghap ito sa huli kong salita. Ramdam ko ang mabigat n'yang paghinga.
“I’m sorry kung naging gago ako noon ngunit iyon ang sa tingin ko ang tama. Bata ka pa noon. Estudyante ka pa lang and I'm your professor. Ayaw kong maging dahilan ng distraction sa pag-aaral mo.”
“Mali ka Sir Ibarra. Gagawin kita noon inspiration ngunit hindi mo ako pinapasok sa puso mo. Hindi katwiran na bata pa ako dahil hindi naman ako minor. Buo na ang pag-iisip ko sa tama at mali—”
“Lahat ng pinakita ko sa ‘yo. Lahat iyon ay taliwas sa damdamin ko. Sa tuwing iiyak at nasasaktan kita. Mas double niyon sa dibdib ko. I'm sorry, Devonne. I'm sorry, dahil gago ako. Kahit lumayo ako sa iyo. Parati akong nakikibalita sa iyon. Masaya na akong natatanaw kita kahit nasa malayo ka.”
“Mahal kita, iyon ang totoong damdamin ko sa iyo. Mahal kita Devonne. Mahal na mahal.”
“S-Sir Ibarra…” bulong ko.
Hindi ako makagalaw dahil tinawid na ni Sir Ibarra ang pagitan naming dalawa at niyakap niya ako ng mahigpit puno ng pagkasabik ang hatid ng init ng kaniyang mga yakap sa akin.
Saglit akong napatda hindi ko alam kung anong gagawin ko. Yayakap din ba ako pabalik sa kaniya o hindi na?
Kaya ako ito ang Devonne na marupok kapag tungkol kay Sir Ibarra, ang topic agad natitibag ang pader na aking hinaharang kahit gaano pa ako kagalit sa kaniya.
Lihim akong napangiti kalaunan ay gumanti na rin ako ng yakap sa kaniya. Masabihan na akong shunga ngunit gusto kong maramdaman ang init ng yakap ni Ibarra. Akala ko kaya ko na siyang tanggihan ngunit hindi ko pala kaya. Dahil hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin si Sir Ibarra.