Devonne Nawalan ako ng ngiti ng tumigil siyang tumawa. Nagtataka ako sabay, pinagmasdan ko siya sa biglaan niyang pagseryoso. Mayroon ba akong sinabi na hindi niya nagustuhan? Bulong ko pa. “Baby, ayaw kong umiiyak ka kahit marami akong t-shirt. Please, lagi kang ngumiti para cute ka lalo,” wika ni Ibarra niyakap ako nanatili muna ako sa dibdib niya inamoy amoy ko pa ang bango talaga nito. “Ginawa mo pa akong aso,” bubulong-bulong ako. Humagalpak ng tawa. “Wala akong sinabi na aso?” sagot pa niya habang hindi tumitigil tumawa. Nag-angat ako ng tingin yumuko siya. “Kasi sabi mo cute ako, diba nga kasalanan sinasabi niyan sa mga aso,” tugon ko. “Ano ba ang gusto mo maganda ganun?” pagbibiro niya ngayon ay nakataas kilay pa para bang naghahamon sa ‘kin. “Hindi ba talaga ako maganda?” n

