Devonne "Baby, ayaw mo ba?” tanong niya sabay kinindatan ako. “Excited pa naman silang makilala ka,” dagdag niya kaya may kilig akong nginitian siya. “Of course gusto ko. Future biyenan ko na 'yan aarte pa ba ako?" humalakhak si Ibarra sa aking naging sagot sa kaniya. "Good! Kasi wala ka naman choice, dahil doon kita dadalhin. Nakapag-promise na rin ako kay mama kasama ko ang girlfriend ko kaya hindi pu-pwedeng hindi kita kasama," tugon niya pagkatapos, pinisil ang ilong ko. "Sa akin ka lang dapat makipag-date," wika nito. Grabe na siya, para na akong hihimatayin sa kilig ngayon kaya nakangiti pa rin ako. "Linawin mo kasi ng deresto. Kasi ayaw ko talagang pumunta sa ngayon sa condo mo. Mahirap na baka gapangin mo ako roon. Lalo na’t alam mo naman na marupok ako dati pa, kapag sa ‘yo,”

