Chapter 13

1810 Words

Devonne Tumigil ang kotse ni Ibarra sa labas ng kulay gray na malaking gate. Nagbusina siya, ilang sandali lang may nagbukas sa bakal na gate. Nasilip kong dalawang guwardiya ang magkatuwang upang iyon ay mabuksan pagkatapos pumasok na ang sinasakyan naming kotse. Kung sa labas halata ng marangya ang bahay nila Ibarra. Sa loob ng gate ay higit pa ang makikita mong karangyaan. Bukod sa malapalasyo ang laki ng buong bahay. Ang ganda pa ng modern Mediterranean design ng mansyon nila Ibarra.. Kung tutuusin hindi naman na bago sa ‘kin ang ganitong kalaki at marangyang mansion. Kasi ganito rin kalaki at kagara ang bahay namin sa Iloilo. Hindi sa pagyayabang mga lolo at lola ko. Mayayaman ang angkan. Lowkey lamang sila at mas gusto nila manirahan sa province kaysa Maynila. Kahit ang daddy ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD