Devonne Katatapos lang namin kumain nang sumulpot sa dining area si Nana Lita, na tila balisa. Mayroon kasi pumasok na sasakyan sa gate kaya pinuntahan niya para tingnan kung sino ang dumating na bisita. Nakatayo na rin kaming lahat, para lumabas na ng komedor at magtungo raw kami sa living room upang doon ituloy ang aming hindi natapos na kwentuhan. Lumapit sa 'kin Tita Janice, tipid akong ngumiti. "Devonne, halika sa sala na muna tayo. Hayaan mo na si Ibarra at papa niya, may pag-uusapan sila sa study room tungkol sa negosyo," wika ng Tita Janice na kina reklamo ni Ibarra. Hinapit niya ako sa baywang ko para bang ayaw akong payagan na sumama sa mama niya. "Iwanan mo na ako sa Tita Janice. Alangan sasama ako sa iyo sa study room. Importante ang pag-uusapan niyo," bulong ko sa kaniya.

