Ibarra “Tanga!” dinuro agad ako ni Lolo Nelson o Neil sa palayaw ng makarating kami sa working table ni Papa Jackson. "Papa maupo muna kayo," mahinahon na wika pa ni Papa sa lolo na mainit na agad ang ulo. Kasal agad namin ni Karina ang una n'yang binanggit kalalapat lang ng pang-upo namin sa visitors chair sa harapan ni Papa Jackson. Nasa swivel chair niya si Papa Jackson, stress siyang pinagmamasdan si lolo. Office rin kasi ito ni papa kapag nasa bahay lang siya at hindi pumasok sa company ni Lolo Neil. “Pa! Hindi naman po tama na pilitin mo ang anak ko sa gusto mo ng hindi siya sang-ayon," kalmado na sagot ni Papa Jackson, upang ipagtanggol ako. “Lolo Neil. Dati pa po ayaw ko na sa arrange marriage na gusto mo, hindi ko pa nakilala ang girlfriend ko. Alam niyo hanggang kaibigan lan

