Devonne “Dad! Ingat po kayo,” saad ko ng ihatid ko siya sa kotse niya. Tahimik na tumango si Daddy, parang ang lalim ng iniisip niya. Bumuntonghininga siya ng inakbayan ko siya. “Talaga gusto mo po ba sumama kami ni Nikolai?” saad ko baka dahil dito kaya tahimik si daddy. Kanina tawa s'ya nang tawa. Ngayon parang malalim naman iniisip niya. Gusto ko tuloy ispin na gusto n'yang malaman ni Ibarra na may anak kami. Hays, kung hindi lang ako magkaka-problema. Payag naman ako kung sakaling malaman ni Ibarra, na may anak kami. Payag akong dalawin niya hindi lang talaga ako handa sa ngayon. Ewan ko na parang masasaktan ulit ako kapag nag-krus ang landas namin ni Ibarra. Mabuti na ganito at least wala kaming komunikasyon sa isa't isa. “Baka magbago isip mo anak. Pwede ulit ako kumuha ng paniba

