Devonne “Nikolai!” tili ni Vienne pagpasok nila ng sa condo. Agad naman nilapitan ni Nikolai ang Ate Vienne niya at nagyakapan ang magpinsan. Napangiti ako habang nakamasid sa kanila ni Vienne. Tila naman naalala nila ni Vienne magmano kaya naghiwalay at lumapit sa ‘min ni Sofia. Sa akin nagmano si Vienne at si Nikolai naman kay Sofia. Kinarga pa ni Sofia at pinupog ng halik. Sa isang araw ang libing ng lolo ni Sofia kaya noong isang araw pa kami narito. Hindi nga lang kami lumalabas ng condo. “Ang guwapo talaga ng pamangkin ko,” saad ni Sofia habang hinahalikan niya sa pisngi si Nikolai. “Mukha ko daddy to,” sabi ni Nikolai na kinasamid ko. Si Sofia malakas na halakhak ang reaksyon niya biniro pa kurutin ang pisngi ni Nikolai. “Hmm daddy?” saad ng kapatid ko pinandiltan ko ng mata.

