Papalubog na ang araw ng dumating si Felicity sa dating tinitirhan nilang mag-anak. Bahay kung saan kasama nilang mag-anak nanirahan si Divina. Iniwan ng kanyang Papa kay Divina ang bahay. Simula ng lumipat ang kanyang Papa sa Taguig ay hindi na siya nagawi sa bahay na ito. Bahay na kanyang kinalakihan. Isa-isang lumitaw sa kanyang isip ang mga alaala nila sa bahay na ito. Kung saan madalas niyang nakikitang umiyak ang kanyang mama. Uminit ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Bago paman pumatak ang mga luha ay agad niyang ikinurap iyo at huminga ng malalim. She should forget those painful memories. Sakit sa puso ang dulot no'n sa kanya. Nakakasawa na rin ang sakit. Gusto na niyang ibaon sa limot ang lahat. Pinindot niya ang button ng doorbell. Minuto pa ang lumipas bago bumuka

