Hindi niya napigilan ang mainis. Alam niya naman na biro lang iyon ngunit sa tuwing iisipin niyang aalis ito. Kusang bumabangon sa dibdib ang matinding inis, galit at takot. “Akin na si Tinbel ma'am. Paka-kainin ko na.” Kinuha ni Tinay si Tinbel mula kay Felicity. Kinandong nito iyon papasok ng malaking bahay. They were intertwining their hands as they entered the house. Hila-hila ni Felicity ang kanyang kamay paakyat ng hagdan habang siya ay nakasunod rito. Pagdating sa pinto ng silid nito ay humarap ito sa kanya. “Umalis ka na. Hihintayin kita rito. Let's have dinner together. Maliligo na muna ako at matulog pagkatapos. Hindi mo kasi ako pinatulog buong magdamag.” He let out a laugh. Felicity pouted her lips and slapped him on his chest. “Go on, pumasok kana. Hihintayin kita na

