Sa mismong DLGC tower lumapag ang chopper na kinalululanan ni Alfred at Felicity. It was early in the morning. Ayaw pa sana ni Alfred umalis ng isla. Ngunit wala na siyang nagawa dahil nagpupumilit na si Felicity na umalis. “Thank you, Mike.” Pasasalamat ni Alfred sa piloto ng DLGC private chopper. “It's my pleasure, sir!” Sumaludo ito sa kanya at ngumiti. Felicity was standing next to him. Agad niyang inabot ang kanang kamay nito at pinisil. Kapagkuwan ay marahang hinila papalapit sa kanya. “Gutom ka na ba?” He asked. “Nope,” anito sabay iling at matamis na ngumiti. He can't help but thank God silently. Ang totoo. Walang patid ang usal niya ng pasasalamat mula pa nakaraang araw. Hanggang ngayon ay tila hindi parin siya makapaniwala na nasa tabi na niya ulit ang babaeng mahal niya.

