At the very moment. Tuluyan niyang pinalaya ang sarili mula sa poot, sakit at hinanakit. She once again embraced the love she had for him. Pagmamahal na hindi kumupas sa kabila ng lahat ng masakit na nangyari. Tahol ni Tinbel ang nagpalingon sa kanila sa glass wall panel. Nakaupo si Tinbel habang mataman na nakatitig sa kanila. Nakatagilid sa kaliwang bahagi ang ulo nito habang kumakawala ang munting tinig nito. Kapagkuwan ay umangat ang isang munting braso nito at kumakaway sa kanila. Kapwa silang nagpakawala ng tawa. Kapagkuwan ay marahan niyang tinampal ang braso ni Alfred. “She's hungry. Hugutin mo na,” nakanguso niyang wika. Ilang oras lang ang naitulog niya. Walang sawa siya nitong inangkin buong magdamag. Humupa na ang bagyo ngunit ang pagkalàlàki nito ay tila walang balak na m

