“Tinay ang ma'am mo?” Tanong ni Alfred kay Tinay ng makasalubong niya ito sa pinto. “Nasa kwarto niya sir.” Agad niyang tinakbo ang hagdan at patakbo na tinungo ang silid ni Felicity. Bukas ang pinto. Kaya tuloy-tuloy siyang pumasok. Napangiti siya ng makita ang triplet sa balcony. Nakaupo ang mga sa naroong mga upuan kasama ang babaeng mahal niya. Ngumunguya ang mga ito. Nasa center table ang isang malaking fruit platter na may lamang maraming white strawberries. Marahan siyang humakbang tungo sa balcony. Sumandal siya sa bakal na hamba ng sliding glass door. Nakapamulsa at nakatunghay sa triplets at sa babaeng mahal niya. Hindi siya napansin ng mga ito dahil nakatuon ang atensyon ng mga ito sa pagkain ng strawberries. Huminga siya ng malalim at umiling. “Hello, people!” Halos

