“Paroo’t-parito si Alfred. Nasa tapat siya ng emergency room. Nasa Quijano Medical Center siya. Felicity was inside the emergency room. Nanlalamig ang buo niyang katawan, walang tigil ang pagdagundong ng kanyang puso. He was nervous as hell. Walang paglagyan ang takot na nararamdaman niya sa oras na iyon. Takot para sa buhay ng kanyang mag-ina. Mahigit na dalawang oras na siyang nakatayo sa tapat ng emergency room. Panay ang silip niya sa pinto. Ngunit wala siyang maaninag sa loob. Kung pwede niya sana gaibain nalang ang pinto upang makapasok. Nakapamewang siya at taas baba ang dibdib. Nakikita pa niya sa suot na damit ang mantsa ng dugo mula kay Felicity. Maging ang mga palad ay ganun din. Naikuyom niya ang kamao, tumaas iyon sa ere at malakas na tumama sa pader. Napayuko siya sabay t

