“You have your name written in the envelope. Sa hinuha namin ay balak ni Capistrano na ipadala sayo ‘yan bago siya namatay.” Mga katagang panandaliang nagpalito kay Alfred. Ilang segundo lang siyang nakatitig sa envelope. Isang tinig ang bumubulong kanyang isip. Ito na. Ito na marahil ang kasagutan sa matagal na niyang hinahanap. Kusang umangat ang kanyang kanang kamay at inabot ang envelope na nasa kanyang harapan. “I will tell you whenever I get in touch with Miss Monticello. You know me, Officer Toledo. I always sided with our law. Wala akong pinapanigan pagdating sa ating batas.” “I know, Atty. Vargas,” ani officer Toledo. Tumayo ito sabay lahad ng kanang kamay sa kanya. They shake hands. Ilang minuto ng nakaalis ang mga pulis. Ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa envelop

